Pagkain

Joachim Beuckelaer, 1560-1565

Ang pagkain ay anumang masustansiya na karaniwang kinakain o iniinom ng mga may buhay na organismo. Kabilang sa katagang pagkain ang mga likido na inumin. Isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng enerhiya at ng nutrisyon para sa mga hayop, at karaniwan galing ito sa mga ibang hayop o halaman. Agham ng pagkain ang tawag sa pag-aaral ng pagkain. Ang World Food Day (Pandaigdigang Araw ng Pagkain) ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Oktubre 16.

Kadalasang nagmula ang pagkain sa halaman, hayop, o halamang-singaw, at naglalaman ng mahalagang sustansya tulad ng karbohidrata, taba, protina, bitamina, o mineral. Ang sustansya ay kinakain ng isang organismo at nagiging bahagi ng mga selula ng organismo upang magbigay ng enerhiya, mapanatili ang buhay, o pasiglahin ang paglago. May iba't ibang kaugalian sa pagkain ang iba't ibang mga espesye ng hayop na mapawi ang mga pangangailangan ng kanilang mga metabolismo at nag-ebolusyon upang punan ang partikular na kaangkupang pang-ekolohiya sa loob ng partikular na mga kontekstong pang-heograpiya.

Ang mga taong omniboro ay napakadaling bumagay at nagkaroon ng adapsyon na makukuha ng pagkain sa maraming iba't ibang mga ekosistema. Pangkalahatang ginagamit ng mga tao ang pagluluto upang ihanda ang pagkain para kainin. Tinutustusan ng karamihan ng enerhiya ng pagkain sa pamamagitan ng industriya ng pagkain, na gumagawa ng pagkain sa pamamagitan ng masinsinang agrikultura at ipinapamahagi ito sa pamamagitan ng komplikadong pagproseso ng pagkain at mga sistema ng pamamahagi ng pagkain. Mabigat na umaasa ang sistemang ito ng nakasanayang agrikultura sa mga panggatong na posil, na nangangahulugang na ang pagkain at mga sistemang pang-agrikultura ay isa sa pangkalahatang tagapag-ambag sa pagbabago ng klima, na bumibilang sa kasing dami ng 37% ng kabuuang total mga emisyon ng gas na greenhouse o pasibulan.[1]

May mahalagang epekto ang sistema ng pagkain sa malawak na lawak ng mga isyung panlipunan at pampolitika, kabilang ang likas-kaya, pagkakaiba-ibang pambiyolohiya, ekonomika, paglago ng populasyon, panustos ng tubig, at seguridad sa pagkain. Minomonitor ang kaligtasan at seguridad sa pagkain ng mga ahensiyang pandaigdigan tulad ng International Association for Food Protection (Internasyunal na Asosasyon para sa Proteksyon ng Pagkain), ang World Resources Institute (Instituto ng mga Mapagkukunan sa Mundo), ang World Food Programme (Programa ng Pagkain sa Mundo), ang Food and Agriculture Organization (Organisasyon sa Pagkain at Agrikultura), at ang International Food Information Council (Pandaigdigang Konseho sa Impormasyon ng Pagkain).

  1. SAPEA (2020). A sustainable food system for the European Union (PDF) (sa wikang Ingles). Berlin: Science Advice for Policy by European Academies. p. 39. doi:10.26356/sustainablefood. ISBN 978-3-9820301-7-3. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 18 Abril 2020. Nakuha noong 14 Abril 2020.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Pagkain

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne