Ang pagkakakategorya ay kakayahan ng tao at aktibidad ng pagkilala ng binabahaging katangian o pagkakatulad sa pagitan ng mga elemento ng karanasan ng sanlibutan (tulad ng bagay, pangyayari, o mga ideya), na inoorganisa at inuuri sa pamamagitan ng pag-ugnay nito sa isang mas mahirap unawain na pangkat (alalaong baga, isang kategorya, uri, o tipo),[1][2][3] sa batayan ng kanilang ugali, katangian, pagkakatulad o ibang pamantayan. Tinuturing ang pakakakategorya bilang isa sa pinakapundamental na mga kakayahang nagbibigay-malay, at tulad nito, partikular na pinag-aaralan ito sa sikolohiya at lingguwistikang kognitibo.
Tinuturing minsan ang pagkakategorya na kasing-kahulugan ng klasipikasyon. Pinapahintulot ng pagkakakategorya at klasipikasyon ang tao na ayusin ang mga bagay, paksa, at ideya na umiiral sa palibot nila at pinapayak ang pagkaunawa ng mga ito sa sanlibutan.[4] Isang bagay ang pagkakakategorya na "ginagawa" ng mga tao at iba pang mga organismo: "ginagawa ang tamang bagay sa tamang uri ng bagay." Maaring pasalita o di-pasalita ang aktibidad ng pagkategorya ng mga bagay. Para sa mga tao, ang parehong konkretong mga bagay at mga ideyang mahirap unawain ay kinikilala, pinagkakaiba, at inuunawa sa pamamagitan ng pagkakakategorya. Kadalasng inuuri ang mga bagay para sa mga layuning umaangkop o pragmatiko.
Pinagbabatayan ng pagkakakategorya ng mga katangian na makikilala ang mga kasapi at di-kasaping kategorya. Mahalaga ang pagkakakategorya sa pag-aaral, prediksyon, hinuha, paggawa ng pasya, wika at maraming anyo ng interaksyon ng mga organismo sa kanilang kapaligiran.