Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang interaksiyon ng mga tao sa isa't isa.
Ang komunikasyon (galing sa salitang Latin na commūnicāre, na ang ibig sabihin ay "ibahagi") ay aktibidad ng pagpapahiwatig ng kahulugan batay sa sistema ng mga senyales at batas semiyotiko. Ang komunikasyon sa biyolohiya ay kadalasang nangyayari sa pamamagitan ng biswal, awditoryo, o sa biyokimikal na paraan. Ang komunikasyong pang-tao naman ay kakaiba dahil sa malawak na gamit ng wika. Ang hindi pang-taong komunikasyon naman ay inaaral sa biyosemiyotiko.
Ang hindi pasalitang komunikasyon ay naglalarawan sa proseso ng paglalathala ng kahulugan sa pamamagitan ng mga mensahe na hindi kinakailangan ang mga salita. Ang mga halimbawa ng hindi pasalitang komunikasyon ay ang komunikasyong sa pamamagitan ng hipo (haptic), komumikasyong kronemerika, mga pagkumpas, wika ng katawan, pangungusap ng mukha, pagkikita ng mata, at kung paano manamit ang isang tao. Ang pagsasalita ay maaari ring maglaman ng mga elemento ng hindi pasalitang komunikasyon tulad ng mistulang wika, halimbawa. ritmo, intonasyon, tempo at diin. Ayon sa pagsasaliksik, 55% sa komunikasyon ng tao ay pangungusap ng mukha at ang iba pa ay 38% na mistulang wika o paralanguage. Gayun din, ang mga nasusulat na teksto ay naglalaman din ng mga elemento ng hindi pasalitang komunikasyon tulad ng estilo sa pagsulat at ang paggamit ng emoji" upang maipahayag ang nararamdaman sa pamamagitan ng porma ng mga imahe.