Palarong Olimpiko

Ang modernong Palarong Olimpiko (mula Kastila: Olímpico; Pranses: Jeux olympiques, Ingles: Olympic Games) o Olimpiyada (mula Kastila: olimpiada) ay ang nangungunang pandaigdigang palaro. Itinatampok nito ang mga palakasan sa tag-init at taglamig, at dinadaluhan ng libo-libong atleta mula sa iba't ibang panig ng mundo. Kinokonsidera ito bilang isa sa mga pinakamalalaki at pinakasikat na palaro, kung saan lagpas sa 200 bansa at teritoryo ang nakikilahok kada edisyon nito. Ginaganap kadalasan ang Palaro tuwing apat na taon sa isang piniling lungsod, kung saan nagsasalitan kada dalawang taon ang Tag-init at Taglamig sa loob ng panahong ito.

Unang inilunsad ang Palaro noong 1896 sa pangunguna ni Pierre de Coubertin. Inspirasyon ng Palaro ang Sinaunang Palarong Olimpiko (Sinaunang Griyego: Ὀλυμπιακοί Ἀγῶνες) na ginanap sa Olympia, Gresya mula sa ika-8 siglo BKP hanggang sa ika-4 na siglo KP. Ginawa ni Coubertin ang Pandaigdigang Lupong Olimpiko (Ingles: International Olympic Committee, IOC) noong 1894, na nagbigay-daan upang maganap ang unang edisyon ng modernong Palaro noong 1896 sa Atenas. Ngayon, ang IOC ay ang namamahala sa Kilusang Olimpiko, sa patnubay ng Kartang Olimpiko.

Nagbago ang Palaro sa pagdaan ng ika-20 siglo hanggang sa pagpasok ng ika-21 siglo. Kabilang sa mga pagbabagong ito ay ang pagkakaroon ng hiwalay na Palaro para sa mga palakasang para sa taglamig, ang Palarong Paralimpiko para sa mga atletang may kapansanan, ang Palarong Olimpiko ng Kabataan para sa mga atletang edad 14 hanggang 18, ang limang Palarong Kontinental (Pan Amerikano, Aprikano, Asyano, Europeo, at Pasipiko), gayundin ang Palarong Pangdaigdig para naman sa mga palakasang di kasama sa Palaro. Bukod sa mga ito, ineendorso rin ng IOC ang Sordolimpiyada at Special Olympics. Dahil sa pag-usad ng panahon, nangangailangan iangkop ng IOC ang Palaro sa estado ng ekonomiya, pulitika, at teknolohiya. Nilaro ang mga naunang edisyon ng Palaro ng mga amateur, ngunit dahil na rin sa pang-aabuso ng mga bansa sa Silangang Bloc, napilitan ang Palaro na unti-unting payagan ang mga propesyonal na manlalaro sa Palaro, taliwas sa orihinal na konseptong inilatag ni Coubertin. Samantala, sa paglaki ng kahalagahan ng midya sa Palaro, unti-unti ring nagiging komersyalisado ang Palaro. Sa tala ng kasaysayan ng Palaro, tatlong beses pa lang na nakansela nang tuluyan ito, lahat dahil sa dalawang Digmaang Pandaigdig (1916, 1940, at 1944). Sa kabilang banda, isang beses pa lang ito pansamantalang ipinagpaliban sa susunod na taon, noong 2020 (ginanap noong 2021) dahil sa pandemya ng COVID-19.

Binubuo ang Kilusang Olimpiko ng mga pandaigdigang pederasyong pampalakasan (Ingles: international sports federation, mga SF), mga Pambansang Lupong Olimpiko (Ingles: national olympic federation, mga NOC), at ang mga komiteng nag-oorganisa sa bawat edisyon ng Palaro. Bilang ang pangkalahatang kinatawan ng Palaro, ang IOC ang bahala sa pagpili ng magiging punong-abalang lungsod para sa mga susunod na edisyon nito. Sila rin ang bahala sa pag-oorganisa at pagpopondo sa Palaro ayon sa Kartang Olimpiko. Bukod sa mga ito, ang IOC rin ang bahala sa mga palakasang lalaruin sa Palaro. Maraming ritwal at simbolo ang Palaro, tulad ng Watawat at ang Sulo, gayundin ang mga seremonya ng pagbubukas at pagsasara. Sa bawat kompetisyon, nakakatanggap ang nanguna, pumangalawa, at pumangatlo ng ginto, pilak, at tansong medalya, ayon sa pagbanggit.

Mula sa orihinal na 14 na bansang opisyal na naglaro sa Atenas noong 1896, lumobo ang bilang ng mga bansang sumali sa Palaro: 207 bansa ang sumali sa Palaro noong 2016 sa Rio de Janeiro. Kasabay ng paglaki nito ang pag-usbong ng samu't saring mga kontrobersiya, kabilang na ang mga pag-boycott, doping, panunuhol, at isang pag-atake ng mga terorista noong 1972 sa Munich. Gayunpaman, nagbibigay-daan ang Palaro sa mga atleta na sumikat sa kanilang bansa, minsan sa buong mundo. Nagbibigay-daan rin ang Palaro sa mga punong-abalang lungsod at bansa nito na magpakitang-gilas sa mundo.

Añu Eventu See
Xuegos Olímpicos de Branu
1896 I edición Atenes Grecia
1900 II edición París Francia
1904 III edición Saint Louis Estaos Xuníos d'América
1906 Xuegos Intercalaos Atenes Grecia
1908 IV edición Londres Reinu Xuníu
1912 V edición Estocolmu Suecia
1916 VI edición Berlín Alemaña
Suspendíos pola Primer Guerra Mundial Añu Eventu See
1920 VII edición Amberes Bélxica Xuegos Olímpicos d'Iviernu
1924 VIII edición París Francia 1924 I edición Chamonix  Francia
1928 IX edición Ámsterdam Países Baxos 1928 II edición Sankt Moritz  Suiza
1932 X edición Los Angeles Estaos Xuníos d'América 1932 III edición Lake Placid  Estaos Xuníos d'América
1936 XI edición Berlín Alemaña 1936 IV edición Garmisch-Partenkirchen  Alemaña
1940 XII edición Ḥélsinki Finlandia 1940 V edición Garmisch-Partenkirchen  Alemaña
Suspendíos pola Segunda Guerra Mundial
1944 XIII edición Londres Reinu Xuníu 1944 VI edición Cortina d'Ampezzo  Italia
Suspendíos pola Segunda Guerra Mundial
1948 XIV edición Londres Reinu Xuníu 1948 VII edición Sankt Moritz  Suiza
1952 XV edición Ḥélsinki Finlandia 1952 VIII edición Oslu  Noruega
1956 XVI edición Melbourne Australia 1956 IX edición Cortina d'Ampezzo  Italia
1960 XVII edición Roma Italia 1960 X edición Squaw Valley  Estaos Xuníos d'América
1964 XVIII edición Tokiu Xapón 1964 XI edición Innsbruck  Austria
1968 XIX edición Ciudá de Méxicu Méxicu 1968 XII edición Grenoble  Francia
1972 XX edición Múnich Alemaña 1972 XIII edición Sapporo  Xapón
1976 XXI edición Montréal Canadá 1976 XIV edición Innsbruck  Austria
1980 XXII edición Moscú XRSS 1980 XV edición Lake Placid  Estaos Xuníos d'América
1984 XXIII edición Los Angeles Estaos Xuníos d'América 1984 XVI edición Sarayevu  Bosnia y Herzegovina
1988 XXIV edición Seúl Corea del Sur 1988 XVII edición Calgary  Canadá
1992 XXV edición Barcelona España 1992 XVIII edición Albertville  Francia
1996 XXVI edición Atlanta Estaos Xuníos d'América 1994 XIX edición Lillehammer  Noruega
2000 XXVII edición Sydney Australia 1998 XX edición Nagano  Xapón
2004 XXVIII edición Atenes Grecia 2002 XXI edición Salt Lake City  Estaos Xuníos d'América
2008 XXIX edición Beixín China 2006 XXII edición Torino  Italia
2012 XXX edición Londres Reinu Xuníu 2010 XXIII edición Vancouver  Canadá
2016 XXXI edición Rio de Janeiro Brasil 2014 XXIV edición Sochi  Rusia
2020 XXXII edición Tokiu Xapón

Palarong Olimpiko

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne