Palarong Olimpiko ng Kabataan

Youth Olympic Games
The logo of Youth Olympic Games
Summer Games
Winter Games
Sports
Summer:
Winter:

Ang Palarong Olimpiko ng Kabataan (YOG) ay isang pang-internasyunal na palarong pampalakasan na binuo ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko (PLO). Ang palaro ay ginaganap tuwing apat na taon sa magkakasunod na mga palaro sa tag-init at taglamig na naaayon sa kasalukuyang ayos ng Palarong Olimpiko, bagama't baliktad sa mga parong taglamig na ginaganap sa mga luksong taon sa halip na mga palarong tag-init. Ang unang palarong tag-init ay ginanap sa Singgapur mula 14 hanggang 26 Agosto 2010 habang ang unang palarong taglamig ay ginanap sa Innsbruck, Awstriya mula 13 hanggang 22 Enero 2012.[1] Ang limitasyon sa edad ng mga manlalaro ay mula 14 hanggang 18.

Ang konsepto ng naturang paligsahan ay ipinakilala ni Johann Rosenzopf mula sa Austria noong 1998. Noong ika-6 ng Hulyo 2007, inaprubahan ng mga miyembro ng IOC sa ika-119 sesyon ng IOC sa Lungsod ng Guatemala ang paglikha ng isang bersyon mga Palarong Olimpiko para sa kabataan, na may hangarin na hatiin ang mga gastos sa pagdaraos ng palaro sa pagitan ng IOC at ng punong-abalang lungsod, samantalang ang mga gastos sa paglaklakbay ng mga manlalaro at kanilang mga maneensayo ay dapat sagutin ng IOC. Ang palarong ito ay nagtatampok din ng mga programang pagpapalitan ng kultura at mga pagkakataon para sa mga kalahok upang makilala ang mga Olimpikong manlalaro.

May ilang kaganapang Olimpiko para sa kabataan, tulad ng Pistang Olimpiko ng Kabataan sa Europa na ginanap bawat iba pang mga taon na may mga bersyon ng tag-init at taglamig, at ang Pistang Olimpiko ng Kabataan sa Awstralya, na parehong napatunayan na matagumpay. Ang mga Palarong Kabataan ay halaw mula sa mga nasabing kaganapang pampalakasan.[2] Ang YOG ay isa ring kahalili sa ipinagpaliban na Pambansang Palaro ng Kabataan.

Ang mga palaro sa tag-init ng Singgapur noong 2010 at Nanjing noong 2014 ay parehong naging abala sa 3600 mga manlalaro at nagtagal ng 13 araw, samantalang ang Palaro sa Taglamig ng Innsbruck noong 2012 ay mayroong 1059 manlalaro, habang Lillehammer noong 2016 ay may 1100 mga manlalaro at nagtagal ng 10 araw. Bagama't lumampas sa mga paunang pagtatantya,[3][4] ang YOG ay nanatiling mas maliit kaysa sa kanilang mga nakakatandang katumbas. Ang pinakahuling palaro sa tag-init ay ang Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Tag-init 2018 sa Buenos Aires. Ang pinakahuling palaro sa taglamig ay ang Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Taglamig 2020 sa Lausanne. Ang susunod na palaro sa tag-init na magaganap ay ang Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Tag-init 2026 sa Dakar habang ang Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Taglamig 2024 ay magaganap sa Gangwon, Timog Korea.

  1. "FIS in favor of Youth Olympic Games". FIS. 8 May 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 September 2007. Nakuha noong 20 May 2007. Naka-arkibo 27 September 2007[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  2. "Rogge wants Youth Olympic Games". BBC Sport. 19 March 2007. Nakuha noong 19 May 2007.
  3. "IOC to Introduce Youth Olympic Games in 2010". 25 April 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Mayo 2015. Nakuha noong 20 May 2007.
  4. "1st Summer Youth Olympic Games in 2010" (PDF). International Olympic Committee Department of Communications. 2007. p. 8. Inarkibo mula sa orihinal (pdf) noong 18 November 2007. Nakuha noong 24 August 2007.

Palarong Olimpiko ng Kabataan

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne