Palarong Paralimpiko |
---|
Main topics |
Games |
Ang Palarong Paralimpiko ay isang kaganapang pampalakasan na pangmaramihan para sa mga manlalaro na may mga kapansanang pisikal at sensoryal. Kabilang dito ay mga manlalarong may kapansanang panggalaw, mga amputasyon, kabulagan, at paralising serebral. Ang Palarong Paralimpiko ay ginaganap tuwing apat na taon, kasunod ang Palarong Olimpiko, at pinamahala ng Pandaigdigang Lupong Paralimpiko (IPC). Ang Palarong Paralimpiko ay minsang nalilito sa Pandaigdigang Palaro ng Tanging Olimpiko, na para lamang sa mga taong may kapansanang intelektuwal, subali't ang mga kalahok sa Tanging Olimpiko ay maaaring maging bahagi sa palarong Paralimpiko.
Bagama't ang pangalan ay likas na nilikha nang portmanteau na pinagsama ang 'paraplegiko' (dahil sa mga pinagmulan nito bilang palaro para sa mga taong napinsala sa gulugod) 'Olimpiko',[1] ang pagsasama ng mga ibang pangkat na may kapansanan ay nangangahulugang hindi na itong itinuturing ugma. Ang kasalukuyang pormal na paliwanag para sa pangalan ay samakatuwid hinango sa Griyegong pang-ukol na παρά, pará ("katabi") at kasunod itinukoy sa paligsahang ginaganap nang kaagapay sa Palarong Olimpiko.[1]