| |
---|---|
Iba pang pangalan |
|
Pangkalahatang impormasyon | |
Uri | Opisyal na tahanan |
Bansa | Lungsod ng Vaticano |
Mga koordinado | 41°54′13″N 012°27′23″E / 41.90361°N 12.45639°E |
Sinimulan | 30 Abril 1589[1] |
May-ari | Ang Papa |
Ang Palasyong Apostoliko (Latin: Palatium Apostolicum; Italyano: Palazzo Apostolico) ay ang tirahang opisyal ng papa, ang pinuno ng Simbahang Katolika, na matatagpuan sa Lungsod ng Vaticano. Kilala rin ito bilang Papal na Palasyo, ang Palasyo ng Vaticano at ang Palasyong Vaticano. Mismong tinutukoy ng Vaticano ang palasyo bilang Palasyo ni Sixto V, bilang parangal kay Papa Sixto V, na nag-atas sa pagtatayo ng karamihan sa kasalukuyang anyo ng palasyo.[2]