Republika ng Panama República de Panamá (Kastila)
| |
---|---|
Salawikain: Pro Mundi Beneficio (Latin) "Para sa Pakinabang ng Mundo" | |
Awiting Pambansa: Himno Istmeño (Kastila) "Imno ng Istmeño" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Lungsod ng Panama 8°58′N 79°32′W / 8.967°N 79.533°W |
Wikang opisyal | Kastila |
Pangkat-etniko (2010[1]) |
|
Relihiyon (2015)[2] |
|
Katawagan | Panameño |
Pamahalaan | Unitaryong pampanguluhang pang-konstitusyong republika |
• Pangulo | Laurentino Cortizo |
• Pangalawang Pangulo | Jose Gabriel Carrizo |
Lehislatura | Pambansang Asembliya |
Kalayaan | |
• mula sa Imperyong Kastila | Nobyembre 28, 1821 |
• unyon sa Gran Colombia | Disyembre 1821 |
• mula sa Republika ng Colombia | Nobyembre 3, 1903 |
• Pumasok sa Mga Bansang Nagkakaisa | Nobyembre 13, 1945 |
• Kasalukuyang saligang-batas | Oktubre 11, 1972 |
Lawak | |
• Kabuuan | 75,417 km2 (29,119 mi kuw)[3][4] (ika-116) |
• Katubigan (%) | 2.9 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2022 | 4,337,768[1] (ika-127) |
• Densidad | 56/km2 (145.0/mi kuw) (ika-122) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2021 |
• Kabuuan | $128.500 bilyon[5] (ika-80) |
• Bawat kapita | $29,608[5] (ika-57) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2021 |
• Kabuuan | $59.260 bilyon[5] (ika-70) |
• Bawat kapita | $13,849[5] (ika-52) |
Gini (2017) | 49.9[6] mataas |
TKP (2019) | 0.815[7] napakataas · ika-57 |
Salapi |
|
Sona ng oras | UTC−5 (EST) |
Ayos ng petsa | mm/dd/yyyy dd/mm/yyyy |
Gilid ng pagmamaneho | kanan |
Kodigong pantelepono | +507 |
Kodigo sa ISO 3166 | PA |
Internet TLD | .pa |
Ang Panama ( /ˈpænəmɑː/ PAN-ə-mah, /θjpænəˈmɑː/ pan-ə-MAH; Kastila: Panamá IPA: [panaˈma] ( makinig)), opisyal bilang ang Republika ng Panama (Kastila: República de Panamá), ay isang bansang transkontinental na sinasaklaw ang gitnang bahagi[8] ng Hilagang Amerika at ang hilagang bahagi ng Timog Amerika. Napapaligiran ito ng Costa Rica sa kanluran, Colombia sa timog-silangan, ang Dagat Karibe sa hilaga, at ang Karagatang Pasipiko sa timog. Ang Lungsod ng Panama ang pinakamalaking lungsod at ang kabisera nito, na isang kalakhang lugar na tahanan ng halos kalahati ng 4 milyong tao ng bansa. [9][10]
Pinanirahan ang Panama ng mga liping katutubo bago naging kolonya ng mga Kastila na dumating noong ika-16 na dantaon. Kumalas sila sa Espanya noong 1821 at umanib sa Republika ng Gran Colombia, isang unyon ng Nueva Granada, Ecuador, at Venezuela. Pagkatapos mabuwag ang Gran Colombia noong 1831, naging Republika ng Colombia ang Panama at Nueva Granada sa kalaunan. Sa suporta ng Estados Unidos, humiwalay ang Panama mula sa Colombia noong 1903, na pinahintulot ang konstruksyon ng Kanal ng Panama upang makumpleto ng Hukbong Pulutong ng mga Inhinyero ng Estados Unidos sa pagitan ng 1904 at 1914. Napagkasunduan sa mga Kasunduang Torrijos–Carter noong 1977 na ilipat ang kontrol ng kanal mula Estados Unidos tungong Panama noong Disyembre 31, 1999.[1] Unang binalik ang palibot na teritoryo noong 1979.[11]
Ang kita mula sa mga bayad o toll sa kanal ay patuloy na kinakatawan ang isang mahalagang bahagi ng GDP ng Panama, bagaman, pangunahin at lumalago ang mga sektor ng komersyo, pagbabangko, at turismo. Tinuturing itong bilang isang ekonomiya na may mataas na kita.[12] Noong 2019, nakaranggo ang Panama sa ika-57 sa mundo sa Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao.[7] Noong 2018, nakaranggo ang Panama sa ikapitong pinakakompetitibong ekonomiya sa Latinong Amerika, sang-ayon sa Pandaidigang Indeks sa Pagiging Kompetitibo ng Porong Ekonomiko ng Mundo (World Economic Forum's Global Competitiveness Index).[13] Tahanan ang mga gubat, na tinatakpan ang mga 40 bahagdan ng sukat ng lupain ng Panama, ng saganang tropikal na mga halaman at hayop – ilan sa kanila ay hindi natatagpuan saanman sa daigdig.[14] Isang kasaping nagtatag ng Mga Nagkakaisang Bansa ang Panama, at ibang samahang internasyunal tulad ng OAS, LAIA, G77, WHO, at NAM.
{{cite journal}}
: Cite journal requires |journal=
(tulong)
Upon entry into force of this Treaty, the United States Government agencies known as the Panama Canal Company and the Canal Zone Government shall cease to operate within the territory of the Republic of Panama that formerly constituted the Canal Zone.