Pandemya ng COVID-19

Pandemya ng COVID-19
Mapa ng kumpirmadong kaso kada tao mula ika-25 ng Mayo 2020
  10+ kumpirmadong kaso kada 1,000
  3–10 kumpirmadong kaso kada 1,000
  1–3 kumpirmadong kaso kada 1,000
  0.3–1 kumpirmadong kaso kada 1,000
  0.1–0.3 kumpirmadong kaso kada 1,000
  >0–0.1 kumpirmadong kaso kada 1,000
  Walang kumpirmadong kaso o walang datos
Mapa ng kumpirmadong kaso
Map ng kabuuang kumpirmadong kaso mula ika-24 ng Mayo
  1,000,000+ kumpirmadong kaso
  100,000–999,999 kumpirmadong kaso
  10,000–99,999 kumpirmadong kaso
  1,000–9,999 kumpirmadong kaso
  100–999 kumpirmadong kaso
  1–99 kumpirmadong kaso
  Walang kumpirmadong kaso o walang datos
Mapa ng mga kumpirmadong namatay kada tao
Mapa ng kumpirmadong namatay kada tao mula ika-24 ng Mayo 2020
  100+ kumpirmadong namatay kada milyon
  10–100 kumpirmadong namatay kada milyon
  1–10 kumpirmadong namatay kada milyon
  0.1–1 kumpirmadong namatay kada milyon
  >0–0.1 kumpirmadong namatay kada milyon
  Walang kumpirmadong namatay o walang datos
A nurse caring for a patient with COVID-19 in an intensive care unit
Taiwanese 33rd Chemical Corps spraying disinfectant on a street in Taipei
Passengers at Linate Airport in Milan have their temperatures taken
Almost empty supermarket aisle in Melbourne, Australia
(Paikot sa kanan mula sa itaas)
  • Isang nars na nag-aalaga sa pasyente ng COVID-19 sa intensive care unit habang nakasakay sa isang Amerikanong ospital na barko
  • Ang outbreak task force ng pamahalaan ng Italya
  • Mga sasakyang pandisenpektante sa Taipei, Taiwan
  • Mga pagsisiyasat sa kalusugan sa Paliparan ng Linate, Milan, Italya
  • Paubos na suplay sa isang Australyanong supermerkado dahil sa matarantang pagbibili
SakitCOVID-19
Uri ng birusSARS-CoV-2[a]
LokasyonBuong mundo
Unang kasoXiaogan, Hubei, Tsina [2]
PinagmulanWuhan, Hubei, Tsina
30°37′11″N 114°15′28″E / 30.61972°N 114.25778°E / 30.61972; 114.25778
Enero 30, 2020-Mayo 5, 2023
Kumpirmadong kaso608,279,956 (milyon)[b]
Pinaghihinalaang kaso780, posibilidad 10%
GumalingTBA
Patay
6,513,584 (milyong, natala)
15.8–27.2 milyon (tinataya)
Ang mga pinaghihinalaang kaso ay hindi pa nakumpirma sa ngayon dahil sa strain na ito na sinusubukan sa laboratoryo, bagaman may ilang ibang strain na hindi na pinaghihinalaan.

Ang pandemya ng COVID-19 ay isang pandemya ng COVID-19 dulot ng SARS-CoV-2. Unang naiulat ang birus sa Wuhan, Hubei, Tsina, noong Disyembre 2019.[3][4] Idineklara ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan ang pagsiklab bilang Kagipitan ng Pampublikong Kalusugang May Pandaigdigang Pakundangan (PHEIC) noong Enero 30, 2020, at bilang pandemya noong Marso 11, 2020.[5][6] Pagsapit ng Abril 16, 2021, naiulat ang higit sa 139 milyong kaso ng COVID-19 sa higit sa 192 bansa at teritoryo, na ikinamatay ng higit sa 2,990,000 katao. Higit sa 79,500,000 katao ang gumaling.[7]

Karaniwang naipapasa ang sakit sa mga ibang tao sa malapitang pakikitungo,[c] kadalasan sa pamamagitan ng mga maliit na patak kapag umuubo,[d] bumabahing, at nagsasalita.[8][11][12] Kadalasan, nahuhulog ang mga patak sa sahig o sa mga ibabaw sa halip na lumipad sa hangin sa malalayong distansiya.[8] Di-ganoong karaniwan, maaaring mahawaan ang isang tao kung hahawakan niya ang isang kontiminadong bagay at pagkatapos nito ay hahawakan niya ang kanyang mukha.[8][kailangan ng sanggunian] Pinakanakahahawa ito sa unang ikaltlong araw sa pagkatapos ng paglitaw ng sintomas, ngunit maaaring makahawa bago lumitaw ang mga sintomas, at mula sa mga taong walang sintomas.[8]

Kabilang sa mga karaniwang sintomas ang lagnat, ubo, pagkapagod, pangangapos ng hininga, at pagkawala ng pangamoy.[8][13][14][15] Kinabibilangan ang mga komplikasyon ng pulmonya and acute respiratory distress syndrome (ARDS).[16] Ang karaniwang oras mula pagkalantad hanggang paglitaw ng sintomas ay halos limang araw, ngunit maaaring mula sa dalawa hanggang labing-apat na araw.[17][18] Kasalukuyang walang bakuna o partikular na gamot kontra sa birus.[8] Nakatuon ang pangunahing paggamot sa pamamahala ng sintomas at mapagsuportang terapewtika (o ang pag-ibsan ng paghirap ng pasyente).[19] Kabilang sa mga inirerekomendang hakbang sa pag-iwas sa sakit ang paghuhugas ng kamay, pagtakip sa bibig habang umuubo, pagpapanatili ng distansya sa ibang tao (partikular sa mga taong may sakit), pagsuot ng peysmask sa mga pampublikong lugar, at pagsubaybay at pagbubukod ng araw para sa mga taong pinaghihinalaang na nahawaan sila.[8][17][20] Tumugon ang mga awtoridad sa buong mundo sa pamamagitan ng pagtupad ng paghihigpit sa paglalakbay, mga lockdown, pagkontrol ng panganib sa mga pinagtatrabahuan, at pagsasara ng mga pasilidad. Nagpunyagi rin ang mga mararaming lugar para pataasin ang kapasidad ng pagsusuri at matunton ang mga kontak ng mga nahawaang tao. Nagdulot ang pandemya ng matinding pagkagambala sa pandaigdigang ekonomiya,[13] kabilang dito ang pinakamalaking pandaigdigang resesyon mula noong Matinding Depresyon.[21] Ito ay humantong sa pagpapaliban o pagkakansela ng mga kaganapan sa pakalasan, relihiyon, pulitika at kultura,[22] laganap na kakulangan ng suplay na pinalala ng pagtataranta sa pagbili,[23][24] at pagbaba ng mga emisyon ng mga pamparumi at greenhouse gas.[25][26] Ipinasara ang mga paaralan, unibersidad, at kolehiyo sa 177 bansa, na nakaapekto sa halos 98.6 porsiyento ng pandaigdigang populasyon ng mga mag-aaral.[27] Kumalat ang mga maling impormasyon tungkol sa birus online,[28] at nagkaroon ng mga pangyayari ng xenopobya at diskriminasyon laban sa mga Tsino at laban sa mga nakikita bilang Tsino, o sa mga nanggagaling sa mga lugar na may matataas na bilang ng impeksyon.[29][30][31]

Buod sa bidyeo (iskrip) tungkol sa sakit na coronavirus
  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang WHO name); $2
  2. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang auto); $2
  3. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang AutoDW-2); $2
  4. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang WHODeclaration); $2
  5. "Statement on the second meeting of the International Health Regulations (2005) Emergency Committee regarding the outbreak of novel coronavirus (2019-nCoV)". World Health Organization (WHO). 30 Enero 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Enero 2020. Nakuha noong 30 Enero 2020.
  6. "WHO Director-General's opening remarks at the media briefing on COVID-19—11 Marso 2020". World Health Organization. 11 Marso 2020. Nakuha noong 11 Marso 2020.
  7. "COVID-19 Dashboard by the Center for Systems Science and Engineering (CSSE) at Johns Hopkins University (JHU)". ArcGIS. Johns Hopkins University. Nakuha noong Abril 12, 2021.
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 8.4 8.5 8.6 8.7 "Q&A on coronaviruses (COVID-19)". World Health Organization (WHO). 17 April 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 May 2020. Nakuha noong 14 May 2020. Maling banggit (Invalid na <ref> tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "WHO2020QA" na may iba't ibang nilalaman); $2
  9. "How COVID-19 Spreads". Centers for Disease Control and Prevention (CDC). 2 April 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong April 3, 2020. Nakuha noong April 3, 2020.
  10. Bourouiba L (March 2020). "Turbulent Gas Clouds and Respiratory Pathogen Emissions: Potential Implications for Reducing Transmission of COVID-19". JAMA. doi:10.1001/jama.2020.4756. PMID 32215590.
  11. "Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)—Transmission". Centers for Disease Control and Prevention (sa wikang Ingles). 17 March 2020. Nakuha noong 23 March 2020.
  12. "Q & A on COVID-19". European Centre for Disease Prevention and Control. Nakuha noong 30 April 2020.
  13. 13.0 13.1 "Here Comes the Coronavirus Pandemic: Now, after many fire drills, the world may be facing a real fire". Editorial. The New York Times. 29 Pebrero 2020. Nakuha noong 1 Marso 2020.
  14. Hopkins, Claire. "Loss of sense of smell as marker of COVID-19 infection" (PDF). Ear, Nose and Throat surgery body of United Kingdom. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Mayo 2020. Nakuha noong 28 Marso 2020. {{cite web}}: Unknown parameter |name-list-format= ignored (|name-list-style= suggested) (tulong) Naka-arkibo 27 May 2020[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  15. "Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)—Symptoms". U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC). 20 Marso 2020. Nakuha noong 21 Marso 2020.
  16. "Interim Clinical Guidance for Management of Patients with Confirmed Coronavirus Disease (COVID-19)". U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC). 4 Abril 2020. Nakuha noong 11 Abril 2020.
  17. 17.0 17.1 Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang CDC2020Over222); $2
  18. Velavan TP, Meyer CG (Marso 2020). "The COVID-19 epidemic". Tropical Medicine & International Health. 25 (3): 278–280. doi:10.1111/tmi.13383. PMC 7169770. PMID 32052514.
  19. "Caring for Yourself at Home". U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC). 11 Pebrero 2020. Nakuha noong 23 Marso 2020.
  20. "Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)". Centers for Disease Control and Prevention (sa wikang Ingles). 11 Pebrero 2020. Nakuha noong 9 Marso 2020.
  21. "The Great Lockdown: Worst Economic Downturn Since the Great Depression". IMF Blog. Nakuha noong 23 Abril 2020.
  22. "A List of What's Been Canceled Because of the Coronavirus". The New York Times. 1 Abril 2020. Nakuha noong 11 Abril 2020.
  23. Scipioni, Jade (18 Marso 2020). "Why there will soon be tons of toilet paper, and what food may be scarce, according to supply chain experts". CNBC. Nakuha noong 19 Marso 2020.
  24. "The Coronavirus Outbreak Could Disrupt the U.S. Drug Supply". Council on Foreign Relations. Nakuha noong 19 Marso 2020.
  25. Watts, Jonathan; Kommenda, Niko (23 Marso 2020). "Coronavirus pandemic leading to huge drop in air pollution". The Guardian. ISSN 0261-3077. Nakuha noong 8 Abril 2020. {{cite news}}: Unknown parameter |name-list-format= ignored (|name-list-style= suggested) (tulong)
  26. "Analysis: Coronavirus temporarily reduced China's CO2 emissions by a quarter". Carbon Brief. 19 Pebrero 2020. Nakuha noong 8 Abril 2020.
  27. "COVID-19 Educational Disruption and Response". UNESCO (sa wikang Ingles). 2020-03-04. Nakuha noong 2020-04-12.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  28. Clamp, Rachel (5 Marso 2020). "Coronavirus and the Black Death: spread of misinformation and xenophobia shows we haven't learned from our past". The Conversation. Nakuha noong 14 Marso 2020. {{cite web}}: Unknown parameter |name-list-format= ignored (|name-list-style= suggested) (tulong)
  29. Sui, Celine. "China's Racism Is Wrecking Its Success in Africa". {{cite web}}: Unknown parameter |name-list-format= ignored (|name-list-style= suggested) (tulong)
  30. Tavernise, Sabrina; Oppel Jr, Richard A. (23 Marso 2020). "Spit On, Yelled At, Attacked: Chinese-Americans Fear for Their Safety". The New York Times. Nakuha noong 23 Marso 2020. {{cite news}}: Unknown parameter |name-list-format= ignored (|name-list-style= suggested) (tulong)
  31. Kuo, Lily; Davidson, Helen (29 Marso 2020). "'They see my blue eyes then jump back'—China sees a new wave of xenophobia". The Guardian. {{cite news}}: Unknown parameter |name-list-format= ignored (|name-list-style= suggested) (tulong)


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2


Pandemya ng COVID-19

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne