Pang-ukol

Ang pang-ukol ay bahagi ng pananalita[1] na ipinapahayag ang mga ugnayan sa panahon o lawak (sa, sa ilalim, patungo sa, bago) o pagmamarka sa iba't ibang semantikong pagganap (ng, para sa). Isa itong morpema na nauuna sa mga pangkat na salitang pangngalan at panghalip na nagdudulot ng kaganapan (complement) o pagbabago sa parirala.[2] Kapag ginagamit sa pangungusap, lumalawak ang kahulugan nito sa pamamagitan ng paglalahad ng patutunguhan, sanhi, kinalalagyan, panahon at iba pa.[2]

Sa Grammar ng Filipino o English, ang katawagang pang-ukol at iba pang bahagi ng pananalita ay nilikha ni Lope K. Santos na kanyang sinulat sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa.[3] Sa balarilang Ingles, tinatawag ang pang-ukol bilang preposition o postposition (kapag pinagsama ay tinatawag na adposition ngunit mas malawak na kilala bilang preposition lamang). Ang preposition ay nangunguna bago ang kapunuan o complement samantalang ang postposition ay pagkatapos ng complement.

  1. Lim, Ed (2008). Lim Tagalog-English English-Tagalog Dictionary. japan: lulu.com. p. 134. ISBN 978-0557486151.
  2. 2.0 2.1 Malicsi, Jonathan. "PANG-UKOL SA FILIPINO". Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Nakuha noong 22 Hunyo 2016.
  3. Gugol, Ma. Victoria (30 April 2015). "Orthography (Evolution)". Pambansang Komisyon para sa Kultura at Sining (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Nobiyembre 2016. Nakuha noong 22 Hunyo 2016. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)

Pang-ukol

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne