Ang isang pangil ay isang mahaba at matulis na ngipin.[1] Sa mamalya, isang binagong ngipin sa pang-itaas na panga ang pangil, na ginagamit sa pagkagat (o pagtuklaw), at pagpilas ng laman. Sa mga ahas, pampartikular na ngipin ang pangil na naiuugnay sa glandula ng lason.[2] Mayroon din pangil ang mga gagamba, na bahagi ng kanilang chelicerae.
Karaniwang ang mga pangil sa mga karniboro at omniboro, subalit may ilang mga herbiboro, tulad ng mga paniking prutas (o fruit bat), ang mayroon nito. Pangkalahatang ginagamit ang pangil upang dakutin o mabilis na mapatay ang nasila, tulad ng nasa mga malalaking pusa. Ginagamit ng mga hayop na omniboro, tulad ng mga oso, ang kanilang pangil kapag nangangaso ng isda o ibang masisila, subalit kailangan din ang mga ito para sa pagkonsumo ng prutas. May ilang bakulaw ang mayroong pangil, na ginagamit nila para sa mga banta at labanan. Bagaman, ang medyo maikling canine sa tao ay hindi tinuturing na pangil.