Pangulo ng Pilipinas

Pangulo ng Pilipinas
Incumbent
Ferdinand Romualdez Marcos, Jr.

mula Hunyo 30, 2022
Pamahalaan ng Pilipinas
Tanggapan ng Pangulo
Istilo
  • Ginoo/Ginang/Binibining Pangulo
    (impormal)
  • Kagalang-galang
  • Kanyang Kamahalan[1]
    (pormal, diplomatiko)
KatayuanPuno ng estado
Puno ng pamahalaan
Commander-in-Chief (lit. Punong Kumander)
Kasapi ngGabinete
Sanggunian sa Pambansang Seguridad
TirahanPalasyo ng Malacañang
LuklukanMaynila
NagtalagaDirektang popular na boto
Haba ng terminoAnim na taon, hindi na maaring ipahaba pa
Instrumentong nagtatagSaligang Batas ng Pilipinas ng 1987
HinalinhanGobernador-Heneral
Punong Ministro[a]
NagpasimulaEmilio Aguinaldo
NabuoEnero 23, 1899
(opisyal)[2]
Nobyembre 15, 1935
(opisyal)[3]
Unang humawakEmilio Aguinaldo
(opisyal)
Manuel L. Quezon
(opisyal)
Sahod365,261 kada buwan[b][4][5][6]
Websaytpresident.gov.ph
op-proper.gov.ph

Ang pangulo ng Pilipinas (impormal na tinatawag din bilang presidente ng Pilipinas) ay ang puno ng estado at ang puno ng pamahalaan ng Pilipinas. Pinamumunuan ng pangulo ang sangay ng tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas at siya rin ang commander-in-chief (literal: punong-kumander) ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Direktang binoboto ng mga tao ang pangulo, at isa ito sa dalawang opisyal na tagapagpaganap na hinahalal ng buong bansa, at ang pangalawang pangulo ng Pilipinas ang isa pa. Bagaman, may apat na naging pangulo ang hindi nahalal at naupo dahil namatay, nagbitiw o pwersahang pinagbitiw ang nakaupong pangulo.[c]

Limitado ang pangulo sa isang termino na tatagal lamang hanggang anim na taon. Walang sinuman na nagsilbi ng higit sa apat na taon ng isang isang pampangulong termino ang pinapahintulutang tumakbo o magsilbi uli. Nagkaroon na ang Pilipinas ng labing-anim na mga pangulo. Sa kabila ng pagkakaiba sa saligang-batas at ng pamahalaan, itinuturing na walang hinto ang pagkasunod-sunod ng mga pangulo. Noong Hunyo 30, 2016, nanumpa si Rodrigo Duterte bilang ang kasalukuyan at ika-16 na pangulo.

Habang kinikilala ng Pilipinas si Aguinaldo bilang unang pangulo, hindi siya kinilala ng ibang bansa dahil bumagsak ang Unang Republika sa ilalim ng Estados Unidos pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Si Manuel L. Quezon ang kinilala bilang unang pangulo (at ang una na nanalo sa halalan, hinirang lamang si Aguinaldo) ng Estados Unidos at pandaigdig na kapisanang pangdiplomasya at pampulitika.

Nagkaroon ng dalawang pangulo ang Pilipinas sa isang punto sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kumakatawan sa dalawang pamahalaan. Isa ay kay Quezon na kumakatawan sa pamahalaang komonwelt at ang isa ay kay Jose Laurel na kumakatawan sa pamahalaang itinaguyod ng mga Hapones.

  1. Quezon, Manuel Luis (1939). Talumpating binigkas ng kanyang kamahalan Manuel L. Quezon, pangulo ng sa harap ng mga magbubukid sa Kabanatuan, Nueva Ecija, noong ika-16 ng Hulyo, 1939. Bureau of Printing.
  2. "Emilio Aguinaldo". Official Gazette of the Philippine Government (sa wikang Ingles). Marso 22, 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 7, 2023. Nakuha noong Agosto 25, 2021.
  3. Guevara, Sulpico, pat. (2005). The laws of the first Philippine Republic (the laws of Malolos) 1898–1899 (sa wikang Ingles). Ann Arbor, Michigan: University of Michigan Library (nilathala 1972). Nakuha noong Enero 10, 2011.
  4. Salary Grades of Positions of Constitutional and Other Officials and Their Equivalents.
  5. "1987 Constitution of the Republic of the Philippines". Chan Robles Virtual Law Library. Nakuha noong Enero 7, 2008. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)
  6. "Salary Grade Table". COMELEC (sa wikang Ingles). Government of the Philippines. Enero 1, 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 1, 2020. Nakuha noong Agosto 25, 2021.


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2


Pangulo ng Pilipinas

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne