Permian | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
298.9 ± 0.15 – 251.902 ± 0.024 milyong taon ang nakakalipas | |||||||||||||
Kronolohiya | |||||||||||||
| |||||||||||||
Etimolohiya | |||||||||||||
Pormal | Formal | ||||||||||||
Impormasyon sa paggamit | |||||||||||||
Paggamit panrehiyon | Global (ICS) | ||||||||||||
Ginamit na iskala ng panahon | ICS Time Scale | ||||||||||||
Kahulugan | |||||||||||||
Yunit kronolohikal | Period | ||||||||||||
Yunit stratigrapiko | System | ||||||||||||
Pormal na time span | Formal | ||||||||||||
Kahulugan ng mababang hangganan | FAD of the Conodont Streptognathodus isolatus within the morphotype Streptognathodus wabaunsensis chronocline. | ||||||||||||
Lower boundary GSSP | Aidaralash, Ural Mountains, Kazakhstan 50°14′45″N 57°53′29″E / 50.2458°N 57.8914°E | ||||||||||||
GSSP ratified | 1996[2] | ||||||||||||
Upper boundary definition | FAD of the Conodont Hindeodus parvus. | ||||||||||||
Upper boundary GSSP | Meishan, Zhejiang, China 31°04′47″N 119°42′21″E / 31.0798°N 119.7058°E | ||||||||||||
GSSP ratified | 2001[3] |
Ang Permian (Kastila: Pérmico) ay isang panahong heolohiko at sistema na sumasaklaw mula 298.9 ± 0.8 hanggang 251.902 ± 0.4.[4] Ito ang huling panahon ng erang Paleozoic at sumunod sa panahong Carboniferous at nauna sa panahong Triassic. Ito ay unang ipinakilala noong 1841 ng heologong si Sir Roderick Murchison at ito ipinangalan sa Perm Krai sa Russia kung saan ang mga strata(patong ng bato) mula sa panahong ito ay orihinal na natagpuan. Ang panahong ito ay nakasaksi ng dibersipikasyon ng mga sinaunang amniote tungo sa mga pang-ninunong mga pangkat ng mga mamalya, pagong, lepidosauro at mga arkosauro. Ang daigdig sa panahong ito ay pinananaigan ng superkontinenteng Pangaea na pinalibutan ng isang pandaigdigang karagatan na Panthalassa. Ang malawak na mga ulanggubat(rainforest) ng panahong ito ay naglaho na nag-iwan ng malalawak na mga rehiyon ng disyertong tuyo sa loob ng panloob na kontinental. Ang mga reptilya na nakaya ang mga mas tuyong kondisyong ito ay nanaig kapalit ng mga ninuno nitong mga ampibyano. Ang panahong Permian kasama ng erang Paleozoiko ay nagwakas sa pinakamalaking ekstinksiyong pang-masa sa kasaysayan ng daigdig kung saan ang halos 90% ng mga espesyeng pang-dagat at 70% ng mga espesyeng pang-lupain ay namatay. [5]
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)