Ang pilosopiyang pampolitika ay ang pag-aaral ng mga paksang katulad ng politika, kalayaan, katarungan, pag-aari (ari-arian), karapatan, batas, at ang pagpapatupad ng mga kodigong pambatas na may kapangyarihan: kung ano ang mga ito, kung bakit (o maging ang kung kailangan ba) ang mga ito, kung ano, kung anuman, ang bumubuo sa pagiging lehitimong pamahalaan, kung anong mga karapatan at mga kalayaan ang dapat nitong prutektahan at pangalagaan at kung bakit, kung anong porma o anyo ang dapat itong akuin at kung bakit, kung ano batas, at anu-anong mga gampanin o katungkulan ang dapat na gampanan o gawin ng mga mamamayan para sa isang tunay o taal na pamahalaan, kung mayroon man, at kung kailan dapat balibatin o alisin sa tungkulin ang isang pamahalaan, kung kinakailangan. Sa diwang bernakular, ang katagang "pilosopiyang pampolitika" ay kadalasang tumutukoy sa isang pangkalahatang pananaw, o tiyak na paniniwala o kaugaliang pang-etika o pampolitika, hinggil sa politika na hindi talaga nasa piling o hindi tunay na kabahagi ng teknikal na disiplina ng pilosopiya.[1]
Ang pilosopiyang pampolitika ay maaari ring unawain sa pamamagitan ng pagsusuri rito sa pamamagitan ng mga perspektibo ng metapisika, epistemolohiya, at aksiyolohiya. Nagbibigay ito ng tarok ng isip sa loob ng, sa piling ng iba pang mga bagay-bagay, sa sari-saring mga aspekto ng pinagmulan ng estado, ng mga institusyon nito at mga batas nito.
{{cite book}}
: Check |isbn=
value: checksum (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Si Charles Blattberg, na nagbigay ng kahulugan sa politika bilang "tumutugon sa salungatan ng diyalogo," ang nagmungkahi na ang mga pilosopiyang pampolitika ay nag-aalok ng mga paglalahad na pampilosopiya ng diyalogong iyon. Tingnan ang kanyang "Political Philosophies and Political Ideologies". SSRN 1755117. {{cite journal}}
: Cite journal requires |journal=
(tulong) sa Patriotic Elaborations: Essays in Practical Philosophy, Montreal and Kingston: McGill-Queen's University Press, 2009.