|
Si Platon[2][3] ( /ˈpleɪtoʊ/; Griyego: Πλάτων, Plátōn, "malawak", "malapad", "maluwang", "pangkalahatan";[4] 424/423 BCE[a] – 348/347 BCE) o Plato ay isang klasikong Griyegong pilosopo, matematiko, mag-aaral ni Sokrates, manunulat ng mga pilosopikal na dialogo, at tagapagtatag ng Akademyang Platoniko sa Atenas na unang institusyon ng mas mataas na pagkatuto sa Kanluraning daigdig. Kasama ng kanyang tagapagturong si Sokrates, at kanyang mag-aaral si Aristoteles, si Platon ay tumulong sa paglalagay ng mga sandigan at haligi ng pilosopiyang Kanluranin at agham.[5] Ang tinaguriang Neoplatonismo o Bagong Platonismo ng mga pilosopo katulad tulad nila ni Plotinus at Porphyry ay nakaimpluwensya kay Agustin ng Hipona at sa gayon, sa Kristiyanismo. Nabanggit ni Alfred North Whitehead: "ang pinakaligtas na pangkalahatang pagkakilala sa pilosopikal na tradisyon ng Europa ay na ito ay binubuo ng iisang serye ng mga talababa kay Platon."[6] Ang sopistikasyon ni Platon bilang isang manunulat ay hayag sa kanyang mga dialogong Sokratiko: 36 mga dialogo at 13 na mga liham na kinikinalang kanya. [7] Ang mga dialogo ni Platon ay ginamit upang ituro ang isang saklaw ng mga paksa kabilang ang pilosopiya, lohika, retorika, at matematika. Si Platon ang isa sa pinakamahalagang tagapagtatag na pigura ng pilosopiyang Kanluranin.
Kasama ang kanyang guro, Sokrates, at ang kanyang bantog na mag-aaral, Aristoteless, itinatag ni Plato ang pundasyon ng Kanluraning Pilosopiya at ng agham. Maliban sa pagiging pundasyonal na pigura sa Kanluraning agham, pilosopiya, at matematika, si Platon ay malimit na binabanggit bilang isa sa tagapagtatag ng Kanluraning pananampalataya at pananalig.
Si Platon ang nagsimula ng pagsusulat sa diyalogo at diyalektikong porma sa pilosopiya. Lubalabas na si Plato ang tagapagtatag ng Kanluraning pilosopiyang politikal, sa kanyang Republika, at Mga Batas na ilan lamang sa mga diyalogo na kanyang naisulat, na nagbibigay sa ilan sa mga pinakauna at pinakamaagang pagtalakay ng mga katanungang politikal mula sa isang pilosopikal na pananaw. Ang mga pinakatiyak na nakapagimpluwensiya kay Platon ay sina Sokrates, Parmenides, Heraklitus and Pythagoras, subalit kaunti lamang ng mga naisulat ng mga pilosopo na nauna sa kanya ang natitira, at marami sa mga nalalaman natin ngayon tungol sa mga pilosopong ito ay nagmula mismo kay Platon.
Ang kanyang mga pinaka-mahalagang impluwensyang pilososopikal ay sina Sokrates, Pythagoras, Heraklitus at Parmenides, kahit na kaunti lamang sa mga gawang naisulat ng mga naunang pilosopo sa kanya ang nananatili ngayon, at marami sa nalalaman natin tungkol sa kanila ay nagmula sa mga naisulat ni Platon mismo."[8] Hindi katulad ng mga naisulat ng halos lahat ng kanyang mga kapanahon na mga pilosopo, ang lahat ng mga naisulat ni Plato ay pinaniniwalaang nakaligtas nang buo sa loob ng mahigit sa 2,400 na taon.[9] Bagamat ang kanilang pagiging popular ay nagpabagu-bago sa paglipas ng mga taon, ang mga naisulat ni Platon ay hindi kailanman nawalan ng mga mambabasa simula sa panahon ng kanilang pagkasulat.[10]
The safest general characterization of the European philosophical tradition is that it consists of a series of footnotes to Plato. I do not mean the systematic scheme of thought which scholars have doubtfully extracted from his writings. I allude to the wealth of general ideas scattered through them. Process and Reality p. 39