Ang Plaza ni San Pedro (Italyano: Piazza San Pietro [ˈPjattsa sam ˈpjɛːtro], Latin: Forum Sancti Petri) ay isang malaking plaza na matatagpuan direkta sa harapan ng Basilika ni San Pedro sa Lungsod ng Vaticano, ang engklabo ng papa sa loob ng Roma, direktang kanluran ng kapitbahayan o rione ng Borgo. Kapuwa ang plaza at ang basilika ay pinangalanang kay San Pedro, isang apostol ni Hesus na itinuturing ng mga Katoliko bilang unang Papa.
Sa gitna ng plaza ay isang sinaunang obeliskong Ehipto, na itinayo sa kasalukuyang lugar noong 1586. Idinisento ni Gian Lorenzo Bernini ang plaza halos 100 taon ang lumipas, kasama ang napakalaking mga Dorikong kolumnata,[1][2] apat na haligi ang lalim, na yumakap sa mga bisita sa "maternong bising ng Inang Simbahan". Isang granitong balong ang itinayo ni Bernini noong 1675 ay tumutugma sa isa pang balong na idinisenyo ni Carlo Maderno noong 1613.