Sa pisika, ang pluwido ay maaaring isang likido, gas, o iba pang materyal na may kakayahang dumaloy sa ilalim ng inilapat na shear stress, o panlabas na puwersa.[1] Wala silang shear modulus, o, sa mas simpleng mga termino, ay mga substansya na hindi makalaban sa anumang puwersang shear na inilapat sa kanila.
Maaaring tumutukoy ang salitang "pluwido" sa salitang "likido" pero hindi ito ang kaso. Ang pluwido ay tumutukoy sa kahit anong bagay na may kakayahang daloy, ibig-sabihin ang pluwido ay maaaring tumukoy sa gas, plasma, o likido. Ang likido naman ay tumutukoy sa isang anyo ng materya.[2]