Republika ng Polonya Rzeczpospolita Polska (Polako)
| |
---|---|
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Varsovia 52°13′N 21°02′E / 52.217°N 21.033°E |
Wikang opisyal | Polako |
Katawagan | Polako Polones |
Pamahalaan | Unitaryong republikang parlamentaryo |
• Pangulo | Andrzej Duda |
Donald Tusk | |
Lehislatura | Parlamento |
• Mataas na Kapulungan | Senado |
• Mababang Kapulungan | Sejm |
Formation | |
• Binyag | 14 Abril 966 |
• Kaharian | 18 Abril 1025 |
1 Hulyo 1569 | |
24 October 1795 | |
11 November 1918 | |
17 Setyembre 1939 | |
22 Hulyo 1944 | |
31 Disyembre 1989 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 312,700 km2 (120,700 mi kuw) (69th) |
• Katubigan (%) | 1.48 (2015) |
Populasyon | |
• Senso ng 2022 | 38,036,118 (ika-38) |
• Densidad | 122/km2 (316.0/mi kuw) (ika-75) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $1.712 trillion (21st) |
• Bawat kapita | $45,538 (40th) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $842.172 billion (21st) |
• Bawat kapita | $22,393 (44th) |
Gini (2020) | 27.2 mababa |
TKP (2021) | 0.876 napakataas · 34th |
Salapi | Złoty (PLN) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong pantelepono | +48 |
Internet TLD | .pl |
Ang Polonya (Polako: Polska), opisyal na Republika ng Polonya, ay bansang matatagpuan sa Gitnang Europa. Pinapaligiran ito ng Litwanya at Rusya sa hilagang-silangan, Eslobakya at Tsekya sa timog, Biyelorusya at Ukranya sa silangan, at Alemanya sa kanluran; nagbabahagi rin ito ng mga hangganang pandagat sa Dinamarka at Suwesya. Sumasaklaw ito ng lawak na 312,696 km2 at may populasyon na humigit-kumulang 38 milyon. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Varsovia.
Unang itinatag ang Polonya noong 966 sa Kristiyanisasyon nito. Inabot ng Polonya ang rurok nito noong ika-16 dantaon sa pagkatatag ng Sampamahalaan ng Polonya at Litwaniya hanggang sa paghahati-hati nito sa pagitan ng Imperyong Ruso, Awstriya-Unggriya at ang Kaharian ng Prusya noong ika-19 dantaon, kung saan tumigil ang pag-iral nito bilang hiwalay na bansa. Muling itinatag ang Polonya noong 11 Nobyembre 1918, pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, na kilala bilang Ikalawang Republika ng Polonya.