Ang propesiya ay ang pagsasalaysay ng mga pangyayaring mangyayari sa hinaharap. Ito ang mga pagsasaad ng mga maaaring maganap, sasapit, o darating sa hinaharap na karaniwang pinaniniwalaan sa iba't ibang mga relihiyon na nangyayari sa pamamagitan ng paranormal o inspirasyon ng supernatural o mga diyos. Ang mga paraan ng panghuhula sa iba't ibang mga relihiyon o paranormal ay kinabibilangan ng mga dibinasyon, astrolohiya, numerolohiya, panghuhula ng suwerte, pagpapakahulugan ng mga panaginip at iba pang maraming mga anyo ng dibinasyon na ginamit sa loob ng mga libo libong taon at maging hanggang sa kasalukuyang panahon upang tangkaing hulaan ang mga pangyayari sa hinaharap. Ang mga paraang ito ay hindi napatunayan ng mga eksperimentong siyentipiko.
May iba't ibang mga konsepto ng propesiya o hula ang matatagpuan sa lahat ng mga relihiyon at kulto sa buong mundo. Sa isang digri, ang propesiya ay maaaring isang integral na konsepto sa loob ng anumang relihiyon o kulto.[1]