Bahagi ng serye ukol sa |
Rigveda · Yajurveda · Samaveda · Atharvaveda |
Aitareya · Brihadaranyaka · Isha · Taittiriya · Chandogya · Kena · Mundaka · Mandukya · Katha · Prashna · Shvetashvatara |
Smriti · Śruti · Bhagavad Gita · Purana · Agama · Darshana · Pancharatra · Tantra · Akilathirattu · Sūtra · Stotra · Dharmashastra · Divya Prabandha · Tevaram · Ramacharitamanas · Shikshapatri · Vachanamrut · Ananda Sutram |
Ang Ramayana[1], o "ang salaysay ukol kay Raghava Rama" o "ang mga ginawa ni Rama"[2] (marami pang ibang pangalang may karugtong na Rama, isang pamagat ng tao), ay isa sa dalawang pinakamahalaga at dakilang tulang epiko ng sinaunang India[2], bukod sa Mahabharata. Unang isinulat sa wikang Sanskrit – isang maagang wika sa Indiya – ng isang paham, o rishi, na si Valmiki noong mga 300 BK.[2] Naglalaman ang aklat ng mga 96,000 taludtod at nahahati sa pitong mga bahagi. Tungkol sa buhay ni Prinsipe Rama ang patulang salaysaying ito, na umalis mula sa Ayodha – ang kabisera ng kanyang kaharian ng Oudh sa hilagaing Indiya[2] – para hanapin ang kaniyang asawang si Sita na dinukot ni haring Ravana, isang dimonyo. Ibig ng bayaning-diyos na si Ramang sagipin si Sita mula kay Ravana. Nagtagumpay si Rama sa pamamagitan ng pagtulong ng hari at hukbo ng mga unggoy. Bagaman nasa kalahati lamang ng haba, at hindi kasingsigla, ng Mahabharata ang Ramayana, isa pa rin ito sa mga pinakakilala at pinakahinahangaang mga mahabang tula. Maraming ganitong mga uri ng salaysayin ang nalalaman ng mga taong Hindu, anuman ang kanilang mga pananaw.[1] Maraming lumabas na mga bersiyon ang aklat, at naisalinwika sa lahat ng mga pangunahing wika ng mundo.