Sa sipnayan, ang rasyo (Kastila: razón) ay paghahambing ng dalawang bilang na tumutukoy sa paghahambing ng halaga ng unang bilang sa halaga ng ikalawang bilang. Halimbawa, kung may walong kahel at anim na limon sa isang mangkok ng prutas, ang rasyo ng kahel sa limon ay walo sa anim (8:6 na magkatumbas sa rasyo na 4:3). Katulad dito, ang rasyo ng limon sa kahel ay 6:8 (o 3:4) at ang rasyo ng kahel sa kabuuang halaga ng prutas ay 8:14 (o 4:7).
Ang mga bilang sa isang rasyo ay maaaring maging dami ng anumang uri, tulad ng bilang ng tao o bagay, o tulad ng mga pagsukat ng haba, bigat, oras, atbp. Sa karamihan ng konteksto, limitado ang kapwang bilang sa pagiging positibo.
Maaaring itukoy ang isang rasyo sa pagbibigay ng dalawang bumubuo na bilang na isinusulat bilang "a sa b" o "a:b", o sa pagbibigay ng halaga ng kanilang kahatian a⁄b.[1] Tumutugma ang mga pantay na kahatian sa mga pantay na rasyo.
Dahil dito, maaaring isaalang-alang ang isang rasyo bilang kapid na ayos ng numero, bilang isang hatimbilang kung saan ang unang bilang sa panakda at ang ikalawang bilang sa pamahagi, o bilang ang halaga na inihahalat ng hatimbilang. Ang mga rasyo ng binibilang na ibinibigay ng mga (di-serong) likas na bilang ay bilang na matwirin, at minsan, likas na bilang. Kapag sinusukat ang dalawang dami ng kaparehong yunit na madalas na nangyayari, ang kanilang rasyo ay isang bilang na walang sukod. Ang kahati ng dalawang dami na sinusukat ng mga magkaibang yunit ay tinatawag na rate.[2]