Republika (dialogo)


Ang Republika (Griyego: πολιτεία, Politeia; Latin: De Republica[1]) ay isang dialogong Sokratiko, na isinulat ni Platon noong 375 BC, tungkol sa katarungan (δικαιοσύνη), ang kaayusan at pagkatao ng makatarungang lungsod, at ng makatarungan na tao.[2] Ito ang pinaka-kilala na gawa ni Platon, at napatunayan na isa sa mga pinaka-maimpluwensyang gawa ng pilosopiya at teoryang pampulitika ng mundo, kapwa pangintelektwal at pangkasaysayan.[3][4]

Sa dialogo, si Socrates ay nakikipag-usap sa maraming taga-Atenas at mga dayuhan tungkol sa kahulugan ng katarungan at kung ang makatarungan na tao ay talaga ba na mas masaya sa hindi makatarungan na tao.[5] Sinusuri nila ang mga likas na katangian ng mga umiiral na rehimen at pagkatapos ay nagmungkahi ng serye ng iba't ibang haka na mga lungsod sa paghahambing, na humantong sa Kallipolis (Καλλίπολις), isang utopian na lungsod na pinamumunuan ng mga pilosopong-hari. Tinatalakay din nila ang teorya ng mga porma, ang pagkawalang-kamatayan ng kaluluwa, at ang papel ng pilosopo at ng mga tula sa loob ng lungsod. [6] Ang tagpuan ng dialogo ay tila sa kapanahunan ng Digmaang Peloponnesian.[7]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. Henri Estienne (ed.), Platonis opera quae extant omnia, Vol. 2, 1578, p. 327.
  2. Brickhouse, Thomas and Smith, Nicholas D. Plato (c. 427–347 BC), The Internet Encyclopedia of Philosophy, University of Tennessee, cf. Dating Plato's Dialogues.
  3. National Public Radio (August 8, 2007). Plato's 'Republic' Still Influential, Author Says Naka-arkibo 2018-09-20 sa Wayback Machine.. Talk of the Nation.
  4. Plato: The Republic Naka-arkibo 2018-09-20 sa Wayback Machine.. Plato: His Philosophy and his life, allphilosophers.com
  5. Sa mga sinaunang panahon, ang aklat ay tinawag din sa pamagat na Tungkol sa Katarungan. Lorenz, Hendrik (22 April 2009). "Ancient Theories of Soul". Stanford Encyclopedia of Philosophy. Nakuha noong 2013-12-10.
  6. Baird, Forrest E.; Walter Kaufmann (2008). From Plato to Derrida. Upper Saddle River, New Jersey: Pearson Prentice Hall. ISBN 978-0-13-158591-1.
  7. Although "there would be jarring anachronisms if any of the candidate specific dates between 432 and 404 were assigned". Nails, Debra (2002), The People of Plato: A Prosopography of Plato and Other Socratics. Hackett Publishing. ISBN 0-87220-564-9, p. 324

Republika (dialogo)

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne