Richard Dawkins | |
---|---|
Kapanganakan | Clinton Richard Dawkins 26 Marso 1941 |
Nasyonalidad | British |
Edukasyon | MA, DPhil (Oxon) |
Nagtapos | Balliol College, Oxford |
Kilala sa | nakasentro sa gene na pananaw ng ebolusyon, konsepto ng meme at pagtataguyod ng ateismo at agham . |
Asawa | Marian Stamp Dawkins (m. 1967–1984) Eve Barham (m. 1984–?) Lalla Ward (m. 1992–present) |
Anak | Juliet Emma Dawkins (born 1984) |
Parangal | ZSL Silver Medal (1989) Faraday Award (1990) Kistler Prize (2001) |
Karera sa agham | |
Tesis | Selective pecking in the domestic chick (1967) |
Doctoral advisor | Nikolaas Tinbergen |
Doctoral student | Alan Grafen, Mark Ridley |
Impluwensiya | Charles Darwin, Ronald Fisher, George C. Williams, W. D. Hamilton, Daniel Dennett, Bertrand Russell, Nikolaas Tinbergen, John Maynard Smith, Robert Trivers |
Website | The Richard Dawkins Foundation |
Si Clinton Richard Dawkins, FRS, FRSL (born 26 Marso 1941) ay isang Ingles na etolohista, biologong ebolusyonaro[1] at may akda. Siya ay isang emeritus fellow ng New College, Oxford,[2] at ang Propesor para sa publikong pagkaunawa ng agham ng Unibersidad ng Oxford mula 1995 hanggang 2008.[3]
Si Dawkins ay nakilala sa kanyang 1976 aklat na The Selfish Gene na nagpasikat ng nakasentro sa gene na pananaw ng ebolusyon at nagpakilala ng terminong meme. Noong 1982, kanyang ipinakilala sa biolohiyang ebolusyonaryo ang maimpluwensiya (influential) na konsepto na ang mga epektong phenotype ng isang gene ay hindi kinakailangang limitado sa katawan ng organismo ngunit maaaring umabot sa kapaligiran kabilang mga katawan ng mga organismo. Ang konseptong ito ay ipinrisinta sa kanyang aklat na The Extended Phenotype.[4]
Si Dawkins ay isang ateista, bise presidente ng British Humanist Association at suporter ng Brights movement.[5] Siya ay kilala sa kanyang pagbatikos sa kreasyonismo at intelihenteng disenyo. Sa kanyang aklat 1986 na aklat na The Blind Watchmaker, siya ay nangatwiran laban sa analohiya ng tagagawa ng orasan na isang argumento para sa eksistensiya ng diyos(supernatural na manlilikha) batay sa kompleksidad ng mga organismo. Bagkus ay kanyang inilarawan ang mga prosesong ebolusyonaryo bilang katulad ng isang bulag na tagagawa ng orasan. Siya ay sumulat rin ng ilang mga aklat ng popular na agtham. Kanyang inilarawan ang pananaw na kreasyonistang batang mundo(na isang paniniwala na ang mundo ay may edad na ilang mga libong taon lamang) bilang "isang hangal na nagpapaliit ng isipang hindi katotohanan". Sa kanyang 2006 aklat na The God Delusion, ikinatwiran ni Dawkins na ang isang supernatural na manlilikha ay halos tiyak na hindi umiiral at ang pananampalatayang relihiyoso ay isang delusyon-"isang hindi magagalaw na maling paniniwala".[6] Noong Enero 2010, ang bersiyong Ingles ng aklat na The God Delusion ay naibenta ng higit dalawang milyong mga kopya at isinalin sa 31 mga wika.[7]