Richard Nixon | |
---|---|
Ika-37 Pangulo ng Estados Unidos | |
Nasa puwesto Enero 20, 1969 – Agosto 9, 1974 | |
Pangalawang Pangulo |
|
Nakaraang sinundan | Lyndon B. Johnson |
Sinundan ni | Gerald Ford |
Ika-36 na Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos | |
Nasa puwesto Enero 20, 1953 – Enero 20, 1961 | |
Pangulo | Dwight D. Eisenhower |
Nakaraang sinundan | Alben W. Barkley |
Sinundan ni | Lyndon B. Johnson |
Senador ng Estados Unidos mula California | |
Nasa puwesto Disyembre 1, 1950 – Enero 1, 1953 | |
Nakaraang sinundan | Sheridan Downey |
Sinundan ni | Thomas Kuchel |
Kasapi ng Estados Unidos na Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa California na ika-12 (na) distrito | |
Nasa puwesto Enero 3, 1947 – Nobyembre 30, 1950 | |
Nakaraang sinundan | Jerry Voorhis |
Sinundan ni | Patrick J. Hillings |
Personal na detalye | |
Isinilang | Richard Milhous Nixon 9 Enero 1913 Yorba Linda, California, Estados Unidos |
Yumao | 22 Abril 1994 Lungsod ng Nueva York, Estados Unidos | (edad 81)
Himlayan | Pamapanguluhang Aklatan at Museo ni Richard Nixon |
Partidong pampolitika | Republikano |
Asawa | Pat Ryan (k. 1940–93) |
Anak |
|
Magulang |
|
Edukasyon |
|
Trabaho |
|
Pirma | |
Serbisyo sa militar | |
Katapatan | Estados Unidos |
Sangay/Serbisyo | Hukbong-dagat ng Estados Unidos |
Taon sa lingkod |
|
Ranggo | Kumander |
Labanan/Digmaan | |
Mga parangal |
|
Si Richard Milhous Nixon (Enero 9, 1913 – Abril 22, 1994) ay ang ika-37 pangulo ng Estados Unidos, na nagsilbi mula 1969 hanggang 1974. Isang abogado at kasapi ng Partido Republikano, dati siyang nagsilbi bilang isang kinatawan at senador mula sa California at naging ika-36 na pangalawang pangulo mula 1953 hanggang 1961 sa ilalim ni Pangulong Dwight D. Eisenhower. Nakita sa kanyang limang taon sa White House ng pagbawas ng pagkakasangkot ng Estados Unidos sa Digmaang Biyetnam, détente (o relaksasyon ng pilitang relasyon) sa Unyong Sobyet at Tsina, ang paglapag ng Apollo 11 sa Buwan, at ang pagkakatatag ng Environmental Protection Agency (Ahensiya ng Proteksyong Pampaligiran) at Occupational Safety and Health Administration (Adminstrasyon ng Kaligtasan at Kalusugan sa Pagtratrabaho). Maagang natapos ang ikalawang termnio ni Nixon nang siya ang tanging pangulo ng Estados Unidos na nagbitiw mula sa kanyang opisina, bilang resulta ng Iskandalong Watergate.