Sahonya-Anhalt | |||
---|---|---|---|
| |||
Awit: Lied für Sachsen-Anhalt (Aleman) "Awit para sa Sahonya-Anhalt" | |||
![]() | |||
Mga koordinado: 51°58′N 11°28′E / 51.967°N 11.467°E | |||
Bansa | Alemanya | ||
Kabesera | Magdeburg | ||
Pinakamalaking lungsod | Halle | ||
Pamahalaan | |||
• Konseho | Landtag of Saxony-Anhalt | ||
• Minister-President | Reiner Haseloff (CDU) | ||
• Governing parties | CDU / SPD / FDP | ||
• Bundesrat votes | 4 (of 69) | ||
• Bundestag seats | 18 (of 736) | ||
Lawak | |||
• Total | 20,447.7 km2 (7,894.9 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (31 December 2018) | |||
• Total | 2,208,321 | ||
• Kapal | 110/km2 (280/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | ||
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | ||
Kodigo ng ISO 3166 | DE-ST | ||
GRP (nominal) | €64 billion (2019)[1] | ||
GRP per capita | €29,000 (2019) | ||
NUTS Region | DEE | ||
HDI (2018) | 0.917[2] very high · 16th of 16 | ||
Websayt | sachsen-anhalt.de |
Ang Sahonya-Anhalt o Saxony-Anhalt (Aleman: Sachsen-Anhalt [ˌzaksn̩ ˈʔanhalt] ( pakinggan); Padron:Lang-nds) ay isang estado ng Alemanya, na nasa hangganan ng mga estado ng Brandeburgo, Sahonya, Thuringia, at Mababang Sahonya. Sinasaklaw nito ang isang lugar na 20,447.7 square kilometre (7,894.9 mi kuw)[3] at may populasyong 2.19 milyong mga naninirahan,[4] na ginagawa itong ika-8 pinakamalaking estado sa Alemanya ayon sa lugar at ika-11 na pinakamalaki ayon sa populasyon. Ang kabesera nito ay Magdeburgo at ang pinakamalaking lungsod nito ay Halle (Saale).
Ang estado ng Saxony-Anhalt ay nabuo noong Hulyo 1945 pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nang binuo ito ng administrasyong hukbong Sobyetiko sa Alyadong-okupadong Alemanya mula sa dating Prusong Lalawigan ng Sahonya at Malayang Estado ng Anhalt. Ang Sahonya-Anhalt ay naging bahagi ng Demokratikong Republikang Aleman noong 1949, ngunit binuwag noong 1952 sa panahon ng mga repormang pampangasiwaan at ang teritoryo nito ay nahahati sa mga distrito ng Halle at Magdeburg, kasama ang lungsod ng Torgau na sumali sa distrito ng Leipzig. Kasunod ng muling pag-iisang Aleman ang estado ng Sahonya-Anhalt ay muling itinatag noong 1990 at naging isa sa mga bagong estado ng Federal na Repulika ng Alemanya.
Ang Saxony-Anhalt ay kilala sa mayamang pamana nitong kultura at nagtataglay ng pinakamataas na konsentrasyon ng mga Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO sa Alemanya.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link)