Ang salaping fiat o perang fiat (mula sa Latin: fīat; "hayaan maging") ay anumang pera na tinatanggap ng isang pamahalaan sa pagbabayad ng buwis o utang, ngunit hindi kaakibat sa o suportado ng ginto at iba pang mga mahahalagang bagay (walang pamantayang ginto ang mga fiat na sistema ng pera). Walang makabuluhang likas na halaga (intrinsic value) o halaga sa paggamit (use value) ang perang fiat (likas na pakinabang, di-gaya ng katad ng baka o beaver). Nakukuha ang halaga ng perang fiat para sa malawakang paggamit sa merkado at gobyerno; sumasang-ayon lamang ang mga partidong nakikipagpalitan sa relatibong halaga nito sa oras na iyon.[1] Isa itong modernong alternatibo sa perang kalakal at perang representatibo. Kumakatawan ang perang representatibo, di-gaya sa fiat, sa pag-angkin sa isang kalakal (na maaaring tubusin sa lalong malawakan o hindi).[2][3]
Anumang pera na idineklara ng isang pamahalaan na salaping umiiral (legal tender).[5]
Pera na inisyu ng estado na hindi mapapalitan sa bangko sentral patungo sa anupaman ni nakapirmi sa halaga man sa konteksto ng anumang makatuwirang pamantayan.[6]
Isang bagay na hindi dapat mahalaga na nagsisilbi bilang daluyan ng palitan (medium of exchange)[7] (kilala rin bilang perangpidusyaryo o fiduciary money.)[8]
Nagmumula ang salitang fiat sa salitang Latin na fiat, na nangangahulugang "hayaan na matupad ito"[9] na ginagamit sa konteksto ng utos, atas[2] o resolusyon.[10]
↑Montgomery Rollins (1917). Money and Investments [Pera at Pamumuhunan] (sa wikang Ingles). George Routledge & Sons. ISBN9781358416323. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 27, 2016. Fiat Money. Money which a government declares shall be accepted as legal tender at its face value;
↑John Maynard Keynes (1965) [1930]. "1. The Classification of Money". A Treatise on Money [Isang Tratado sa Pera] (sa wikang Ingles). Bol. 1. Macmillan & Co Ltd. p. 7. Ang "Perang Fiat" ay Perang Representatibo (o makasagisag) (iyon ay, anuman mula sa likas na halaga ng materyal na sangkap na ipinaghiwalay mula sa halagang panlabas ng pera nito) – ngayon ay karaniwang gawa sa papel maliban sa mga maliliit na denominasyon – na inilikha at inisyu ng Estado, ngunit hindi mapapalitan ayon sa batas sa anuman maliban sa iyon mismo, at wala itong nakapirming halaga sa konteksto ng isang makatuwirang pamantayan. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles)
↑Blume, Lawrence E; (Firm), Palgrave Macmillan; Durlauf, Steven N (2019). The new Palgrave dictionary of economics [Ang bagong diksyonaryong Palgrave ng ekonomika] (sa wikang Ingles). Palgrave Macmillan (Firm) (ika-Living Reference Work (na) edisyon). United Kingdom. ISBN9781349951215. OCLC968345651.{{cite book}}: CS1 maint: location missing publisher (link)
↑"The Four Different Types of Money - Quickonomics" [Ang Apat na Magkakaibang Uri ng Pera - Quickonomics]. Quickonomics (sa wikang Ingles). Setyembre 17, 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 13, 2018. Nakuha noong Pebrero 12, 2018.
↑Fiat is the third-person singular present active subjunctive of fiō ("I become", "I am made").
↑Schueffel, Patrick (2017). The Concise Fintech Compendium [Ang Maigsing Kompendyo ng Fintech] (sa wikang Ingles). Fribourg: School of Management Fribourg/Switzerland. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 24, 2017. Nakuha noong Enero 8, 2018.