Segundo

Segundo
Sistema ng yunit: Base yunit ng SI
Kantidad: Panahon
Simbolo: s
Dimensiyon: T

Ang segundo ay ang batayang yunit ng panahon sa Pandaigdigang Sistema ng mga Yunit (SI), na karaniwang naiintindihan at tinukoy sa kasaysayan bilang 186400 ng isang araw – nagmula ang kabuong ito sa paghahati ng araw muna sa 24 oras, at pagkatapos sa 60 minuto at sa wakas hanggang tig-60 segundo. Ang mga mekanikal at elektronikong orasan at relo ay karaniwang mayroong mukha na may 60 tiktak na kumakatawan sa mga segundo at minuto, na dinadaanan ng pangalawang kamay at minutong kamay. Ang mga digital na orasan at relo ay kadalasang mayroong dalawang tambilang na pambilang na mga umiikot sa mga segundo. Bahagi rin ang segundo ng ilang iba pang mga batayang-panukat tulad ng metro bawat segundo para sa belosidad, metro sa bawat segundo bawat segundo para sa akselerasyon, at bawat segundo para sa kadalasan.

Kahit na nakabatay ang makasaysayang kahulugan ng yunit sa dibisyong ito sa pag-inog ng Daigdig, mas matibay na tagapanatili ng oras ang pormal na kahulugan sa Pandaigdigang Sistema ng mga Yunit (SI): tinutukoy ang 1 segundo bilang eksaktong "tagal ng 9,192,631,770 na mga ulit ng ang radyasyon na naaayon sa paglipat ng dalawang hiperpinong antas ng bataying kalagayan ng atomong sesyo-133"(sa temperatura ng 0 K).[1][2] Dahil nag-iiba-iba ang pag-inog ng Daigdig at bumabagal din nang napakaliit, pana-panahong idinadagdag ang isang segundong siningit sa oras ng taknaan[nb 1] upang mapanatili ang sinkronisasyon ng mga orasan sa pag-inog ng Daigdig.

Karaniwang binibilang ang mga maramihan ng mga segundo ayon sa oras at minuto. Kadalasang binibilang naman ang mga hatimbilang ng isang segundo ayon sa desimo o sentesimo. Sa gawaing pang-agham, binibilang ang mga maliit na hatimbilang ng isang segundo ayon sa milisegundo (milesimas), mikrosegundo (milyonesimas), nanosegundo (bilyones), at kung minsan mas maliit pa na yunit ng isang segundo. Isang araw-araw na karanasan ng mga maliit na hatimbilang ng isang segundo ay ang 1-gigahertz microprocessor na may orasang pagpapaulit-ulit ng 1 nanosegundo. Ang bilis ng shutter ng kamera ay karaniwang umaabot mula 160 segundo hanggang 1250 segundo.

Mayroong dibisyong seksahesimal ng araw mula sa kalendaryo na batay sa astronomikal na pagmamasid mula noong ikatlong milenyo BK, bagaman hindi sila segundo gaya ng alam natin ngayon. Walang kakayahang bilangin ang mga maliit na dibisyon ng oras noong panahong iyon, kaya makasagisag ang mga dibisyong ito. Ang mga unang kronometrador na may kakayahang magbilang nang wasto ng segundo ay mga pendulum clock naimbento noong ika-17 siglo. Simula noong dekada 1950, naging mas mahusay ang mga atomikong orasan kaysa sa pag-inog ng daigdig, at patuloy ito sa pagiging pamantayan ngayon.

  1. "Unit of time (second)". SI Brochure. BIPM. Nakuha noong Disyembre 22, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Base unit definitions: Second". physics.nist.gov. Nakuha noong Setyembre 9, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "nb", pero walang nakitang <references group="nb"/> tag para rito); $2


Segundo

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne