Siklo ng selula

Bawat yugto ng siklo ng selula ay humahati sa mga kromosoma sa isang nucleus ng selula.

Ang siklo ng selula (Ingles: cell cycle o cell-division cycle) ang sunod sunod na mga pangyayaring nangyayari sa isang selula na tumutungo sa paghahati nito at pagkokopya sa sarili(duplication o replication). Sa mga selulang walang nucleus ng selula, ang siklo ng selula ay nangyayari sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na binaryong fission. Sa mga selulang may nucleus gaya ng mga eukaryotes, ang siklo ng selula ay maaaring hatiin sa tatlong yugto:

  • interphase: kung saan ang selula ay lumalago, nagtitipin ng mga nutriento na kailangan para sa mitosis at pagkopya ng sarili nitong DNA
  • yugtong mitosis: kung saan sa prosesong ito ang mga selula ay humahati sa sarili nito sa dalawang walang katulad na mga selulang tinatawag na mga "anak na selula"(daughter cells)
  • cytokensis: ang huling yugto kung saan ang mga bagong selula ay kumpletong nahahati.

Ang siklong paghahati ng selula ay isang mahalagang proseso kung saan ang isang napunlay na itlog ay umuunlad sa isang matandang organismo gayundin ang proseso kung saan ang buhok, balat, selula ng dugo at ilang mga panloob na organo ng tao ay nababago.


Siklo ng selula

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne