Ang Sinaunang Palarong Olimpiko ay isinasagawa ng mga Griyego para parangalan ang mga diyos. Nagmumula ang mga atleta, ang mga kalahok na manlalaro, sa lahat ng mga lungsod ng Gresya. Ginaganap ang mga Palarong Olimpiko tuwing ikaapat na taon sa buwan ng Agosto. Kabilang sa mga kaganapang palaro at palakasan ang buno, suntukan, paghahagis ng diskus at habelina, mga unahan sa pagtakbo. Tanging mga korona lamang na yari sa mga dahon ang gantimpala, subalit sadyang naging napakahalaga ng karangalan sa pagwawagi kung kaya't umaabot ng mga taon ang idinaraos na pagsasanay ng mga kalalakihan para makaipagtunggali at mapanalunan ang koronang dahon.[1]
Orihinal na tinatawag din lamang sa payak na katawagang mga Palarong Olimpiko (Griyego: Ολυμπιακοί Αγώνες; Olympiakoi Agones), isang magkakasunod na mga pagtutunggali o paligsahang pang-atletika ang mga Sinaunang mga Palarong Olimpiko na nangyayari sa iba't ibang mga lungsod-estado ng Sinaunang Gresya. Nagsimula ito noong 776 BC (Pangkaraniwang Panahon) sa Olympia, Gresya, at ipinagdiriwang hanggang 393 AD.[2] Kabilang din sa mga gantimpala ang mga koronang gawa mula sa mga dahon ng oliba, mga sanga ng palma, at lasong lana.
{{cite web}}
: Check date values in: |date=
(tulong)