Heometriya | ||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
|
||||||||||
Apat- / ibang-dimensiyonal |
||||||||||
Mga heometra | ||||||||||
ayon sa pangalan
|
||||||||||
ayon sa panahon
|
||||||||||
Sa heometriya, ang sirkumperensiya (mula sa Latin na circumferens, nangangahulugang "dinadala sa palibot") ay ang perimetro o palibot ng isang bilog o elipse.[1] Alalaong baga, ang sirkumperensiya ay magiging haba ng arko ng bilog, na kapag binuksan at diniretso, magiging segmentong linya.[2] Sa mas pangkalahatan, ang perimetro ay ang habang pakurba sa palibot ng kahit anumang pigurang nakasara. Maaring tukuyin din ng sirkumperensiya ang bilog mismo, alalaong baga, ang locus o lugar na kaayon sa gilid ng isang disko. Ang sirkumperensiya ng isang espera ay ang sirkumperensiya, o haba, ng anumang isa mga makabuluhang bilog nito.
Ang ibang katawagan nito sa Tagalog ay yantas at tikop.[3]