Ang sistemang sirkulatoryo, sistemang pangsirkulasyon, sistemang pangkalat, sistemang pampalaganap o sistemang kardiyobaskular (Ingles: circulatory system o cardiovascular system) ay isang organong nagdadala at nagkakalat ng mga sustansiya, mga hangin, at dumi patungo at mula sa mga selula, at tumutulong sa pagpapanatili ng antas ng temperatura at pH upang makalinga ang homeostasis. Habang ang mga tao, maging ang ibang mga bertebrado ay may saradong sistemang sirkulatoryo, ang ilang mga grupo ng imbertebrado ay may bukas na sistemang sirkulatoryo. Ang lapi o phyla, na isang pinakakatutubo o isinaunang hayop, ay walang mga sistemang sirkulatoryo.