Ang Sona ng Pasipikong Oras (sa Ingles: Pacific Time Zone) ay nag-oobserba ng pamantayang oras sa pagbabawas ng walong oras sa Coordinated Universal Time (UTC−8). Base ang pamantayang oras sa sona na ito sa mean solar time ng ika-120 na meridiyano sa kanluran ng Obserbatoryo sa Greenwich. Habang daylight saving time, UTC−7 ang time offset nito at dahil doon ay base ito sa mean solar time ng ika-105th meridiayo sa kanluran ng Obserbatoryo ng Greenwich.
Sa Estados Unidos at Canada, tinatawag na Pacific Time Zone (PTZ) ang time zone na ito. Ginagamit nito ang Pacific Standard Time (PST) - Pacific Time (PT) - ng specifically pag nag-oobserba ng pamantayang oras (pagtatapos ng taglagas hanggang sa pagsimula ng tagsibol), at Pacific Daylight Time (PDT) - Mountain Time (MT) - habang nag-oobserba ng daylight saving time (maagang tagsibol hanggang pagtatapos ng taglagas). Halos lahat ng Canada ay gumagamit ng daylight saving time. Sa Mehiko tinatawag na Northwest Zone ang UTC-8 time zone, na nakasabay sa U.S. PDT daylight saving schedule.
Ang Los Angeles sa California sa Estados Unidos ang pinakamalaking lungsod sa Pacific Time Zone; ang lugar ng kalakhang ng lungsod ay ang pinakamalaki sa sona.
Ito ay nangunguna ng isang oras sa Alaska Time Zone, isang oras nahuhuli sa Mountain Time Zone, dalawang oras nahuhuli sa Central Time Zone, at tatlong oras nahuhuli sa Eastern Time Zone.