Ang sustansiyang kemikal (Ingles: chemical substance) o sangkap pangkimika ay ang kahit anong materyal na ginagamit o makukuha sa pagawaan ng kimika:
- Isang kompuwestong kemikal ang sustansiya na binubuo ng dalawa o higit pa na elementong kimikal na pinagsasama sa nakatakdang proporsyon.
- Isang elementong kemikal ang isang sustansiya na di na maaaring ihati or baguhin sa iba pa na sustansiya sa pamamagitan ng ordinaryong kaparaanang kemikal. Ang pinakamaliit na ganitong elemento ay ang isang atomo, na binubuo ng mga elektron na pinapagitnaan sa paligid ng isang nukleyus ng mga proton at mga nyutron.
- Isang molekula ay ang pinakamaliit na partikel ng isang elemento o kompawnd na pinapanatili ang katangian ng isang elemento o kompawnd.
- Ang isang iono ay isang atomo o pangkat ng mga atomo kasama ng isang neto ng charge ng koryente, na mayroong nawala (cation) o nakuhang (anion) isang elektron.