Teknolohiya

Photo of technicians working on a steam turbine
Isang turbinang pinasisingawan, halimbawa ng modernong teknolohiya sa enerhiya.

Téknolohíya[a][2] ang paglapat sa kaalaman sa praktikal na paraan, lalo na sa paraang nauulit.[3] Sa karaniwang diskurso, maaari ring tumukoy ang salita sa mga produktong resulta ng paglalapat na ito,[4] kagaya ng mga pisikal na bagay tulad ng kagamitan at makina, at di-pisikal tulad ng software. Mahalaga ang papel ng teknolohiya sa maraming larangan, at madalas teknolohiya ang resulta ng mga ito, kagaya ng sa agham at inhinyera.

Nakakapagpabago ang pag-usad ng teknolohiya sa direksiyon ng lipunan. Kabilang sa mga pinakaunang teknolohiya ng mga tao ay ang mga kagamitang yari sa bato at ang pagkontrol sa apoy, na parehong nagpabilis sa paglaki ng utak ng tao, na humantong kalaunan sa pag-usbong ng mga wika noong Panahon ng Yelo. Lumawak ang malalakbay ng mga tao nang maimbento ang gulong noong Panahon ng Bronse, na nagpasimula sa paggawa sa mga mas komplikadong makina. Pagkatapos nito, ilan sa mga mahahalagang imbensiyon ng tao ay ang limbagan, makinang pinasisingawan, sasakyan, at ang internet, na nagpasimula sa ekonomiyang makakaalaman.

Bagamat direktang nakakaambag sa paglago ng ekonomiya, sanhi rin ang teknolohiya ng polusyon at pagkaubos ng yaman. Nakakaapekto rin ito sa lipunan sa negatibong paraan, kagaya ng kawalang-trabaho dulot ng teknolohiya dahil sa otomasyon. Bilang result nito, nagkaroon ng mga debate sa politika at pilosopiya ukol sa gampanin ng teknolohiya, ang etika nito, gayundin ang paghahanap sa mga paraan upang mabawasan ang mga masasamang epekto nito.

  1. "aghímuan": Del Rosario, Gonsalo (1969). Salcedo, Juan (pat.). Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino (sa wikang Filipino). Maynila, Pilipinas: Lupon sa Agham. p. 77.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "téknolohíya". KWF Diksiyonáryo ng Wikang Filipíno. Komisyon sa Wikang Filipino. Nakuha noong 11 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Skolnikoff, Eugene B. (1993). "The Setting" [Ang Lugar]. The Elusive Transformation: Science, Technology, and the Evolution of International Politics [Ang Mailap na Transpormasyon: Agham, Teknolohiya, at ang Ebolusyon ng Pandaigdigang Politika] (sa wikang Ingles). Princeton University Press. p. 13. ISBN 0-691-08631-1. JSTOR j.ctt7rpm1. LCCN 92022141. OCLC 26128186.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Mitcham, Carl (1994). Thinking Through Technology: The Path Between Engineering and Philosophy [Pag-iisip sa Teknolohiya: Ang Daan sa Pagitan ng Inhinyera at Pilosopiya] (sa wikang Ingles). University of Chicago Press. ISBN 0-226-53196-1. LCCN 93044581. OCLC 29518988.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2


Teknolohiya

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne