Timog Amerika

Mapa ng mundo na pinapakita ang Timog Amerika
Isang larawang satellite composite ng Timog Amerika

Ang Timog Amerika (Ingles: South America) ay isang kontinente na matatagpuan sa Kanlurang Hemispero sa pagitan ng mga karagatang Pasipiko at Atlantiko.

Kadalasang tinutukoy na kabilang sa Amerika, katulad ng Hilagang Amerika, pinangalan ang Timog Amerika kay Amerigo Vespucci, na ang unang Europeo na nagmungkahi na ang Amerika ay hindi ang Silangang Kaindiyahan, ngunit isang hindi pa natutuklasang Bagong Mundo.

May laki ang Timog Amerika ng 17,840,000 kilometro kuadrado (6,890,000 milya kuadrado), o nasa 3.5% ng ibabaw ng Daigdig. Noong 2005, tinatayang nasa 371,000,000 ang populasyon nito. Pang-apat ang Timog Amerika sa laki (pagkatapos ng Asya, Aprika, at Hilagang Amerika).


Timog Amerika

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne