Republika ng Korea 대한민국 大韓民國 Daehan Minguk | |
---|---|
Salawikain: (홍익인간) "Kabutihan sa lahat ng sangkatauhan" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Seoul |
Wikang opisyal | Koreano |
Opisyal na sistemang pansulat | Hangul |
Katawagan | Timog Koreano, Koreano |
Pamahalaan | Republikang pampanguluhan |
• Pangulo | Yoon Suk-yeol |
Han Duck-soo | |
Lehislatura | Pambansang Asemblea |
Bumuo | |
Lawak | |
• Kabuuan | 100,210 km2 (38,690 mi kuw) (Ika-108) |
• Katubigan (%) | 0.3 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2010 | 48,875,000[1] (Ika-24) |
• Densidad | 491/km2 (1,271.7/mi kuw) (Ika-21) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2010 |
• Kabuuan | $1.457 trilyon[2] |
• Bawat kapita | $29,790[2] |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2010 |
• Kabuuan | $986.256 bilyon[2] |
• Bawat kapita | $20,165[2] |
Gini (2007) | 31.3[3] katamtaman |
TKP (2010) | 0.877[4] napakataas · Ika-12 |
Salapi | Won ng Timog Korea (₩) (KRW) |
Sona ng oras | UTC+9 (Pamantayang Oras sa Korea) |
• Tag-init (DST) | UTC+9 (hindi inoobserba) |
Ayos ng petsa | yyyy년 mm월 dd일 yyyy/mm/dd (CE) |
Gilid ng pagmamaneho | kanan |
Kodigong pantelepono | 82 |
Internet TLD | .kr |
|
Ang Timog Korea[5], pantungkulin Republika ng Korea[5] (Internasyonal: Republic of Korea, Hangul: 대한민국, Daehan Minguk), ay isang bansa na matatagpuan sa Silangang Asya, sa katimugang kalahati ng Tangway ng Korea. Karaniwang tinatawag na Hanguk (bansang Han; 한국) o Namhan (Timog Han; 남한) ng mga taga-Timog Korea. Tingnan ang mga pangalan ng Korea.
Seoul (서울) ang kapital na lungsod nito. Sa hilaga, matatagpuan ang Hilagang Korea, na nabuo bilang isang bansa hanggang noong 1945.
Ang Korea ay may mahabang kasaysayan na umaabot ng 4,000 taon, kasama na ang pagbagsak ng mga kaharian at dinastiya. Simula nang sumibol muli bilang isang republikang bansa noong 1948 pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay naharap ito sa maraming mga pagsubok: ang Digmaang Korea, and deka-dekadang pamamahalang awtoritaryan, at pagpapalit ng saligang batas nang limang beses.
Ang ekonomiya ng Timog Korea ay mablis na umangat simula noong 1961 at ngayon ay ika-15 na pinakamalaki sa buong mundo (halagang nominal).