Ang mga Han (汉人; 漢人; Hànrén) (o Tsinong Han (Tsinong pinapayak: 汉族; Tsinong tradisyonal: 漢族; pinyin: Hànzú; lit.: "pangkat-etnikong Han") ay isang pangkat etniko sa Silangang Asya na katutubo sa Tsina. Sila ang pinakamalaking pangkat etniko sa mundo, na binubuo ng tinatayang 18% ng populasyon ng mundo. Binubuo ang mga Han ng iba't ibang subgrupo na nagsasalita ng mga bariyedad o uri ng wikang Tsino.[34][35] Tinatayang nasa 1.4 bilyong Tsinong Han na pangunahing natitipon sa Republikang Bayan ng Tsina (kabilang ang Kalupaang Tsina, Hong Kong, at Macau), kung saan binubuo sila ng mga 92% ng kabuuang populasyon.[2] Sa Taywan, binubuo ito ng mga 97% ng populasyon.[36][37] Binubuo din ng mga 75% ng kabuuang populasyon ng Singapura na Tsinong Han.[38]
Nagmula sa Hilagang Tsina, mababakas ang liping Tsinong Han sa Huaxia, isang kompederasyon ng mga kalipunang pang-agrikultura na namuhay sa may Ilog Dilaw.[39][40] Kabilang sa kolektibong kompederasyong Neolitikong ito ang mga kalipunang pang-agrikultura na Hua at Xia, kaya ganito ang pangalan nila. Nanirahan sila sa mga Kalagitnaang Kapatagan sa palibot ng gitna at mas mababang bahagi ng Ilog Dilaw sa Hilagang Tsina.[41][42][43][40] Mga ninuno ng mga makabagong Tsinong Han ang mga kalipunang ito na nagsimula ng kabihasnang Tsino. Sa loob ng panahon ng mga Estadong Nikikidigma, nagdulot ito ng pag-usbong ng sinaunang nakikilalang kamalayan ng Tsino sa panahong Zhou na tinutukoy ang sarili bilang Huaxia (literal na "ang magandang kadakilaaan"), na katangi-tanging ginamit upang purihin ang isang kalinangang "sibilisado", taliwas sa tinuturing na "barbaro" sa katabi at karatig na paligid na nasa hangganan ng mga Kahariang Zhou na pinapanirahan ng iba't ibang hindi Tsinong Han na pumapalibot sa kanila.[44][42][45][46] Sa maraming pamayanang Tsino sa ibayong-dagat, ginagamit ang katawagang mga Hua (华人; 華人; Huárén) o Huazu (华族; 華族; Huázú) para sa mga etnisidad na Tsinong Han na iba sa Zhongguo Ren (中国人; 中國人) na may mga konotasyon at implikasyon na pagiging mamamayan ng Tsina, kabilang ang mga may etnisidad na hindi Tsinong Han.[47][48][49]
Patuloy na lumawak ang mga kalipunang Huaxia mula sa Hilagang Tsina tungo sa Katimugang Tsina sa nakaraang dalawang milenyo, sa pamamagitan ng pananakop ng militar at kolonisasyon.[50][51] Kumalat ang kalinangang Huaxia tungong timog mula sa sentro ng Palanggana ng Ilog Dilaw na kinuha ang iba't ibang mga pangkat na hindi etnikong Han na naging sinisado sa loob ng mga siglo at iba't ibang punto ng kasaysayan ng Tsina.[52][51][42]
Unang lumitaw ang pangalang "Han" sa mga Dinastiyang Hilaga at Katimugan, na naging inspirasyon ng dinastiyang Han, na tinuturing na isa sa unang mga ginuntuang panahon ng kasaysayang Tsino. Bilang isang pinag-isa at magkakasamang imperyo, umusbong ang Tsinang Han bilang sentro ng impluwensiyang heopolitikal sa Silangang Asya noong panahong iyon, na umuungos ang karamihan sa pananakop nito sa mga katabing rehiyon at makukumpura sa kontemporaryong Imperyong Romano sa sukat ng populasyon, at naabot sa heograpiya at kultura.[53][54][55][56] Naimpluwensiya ng prestihiyo at katanyagan ng dinastiyang Han ang maraming sinaunang Huaxia upang kilalanin ang sarili bilang "Ang Taong-bayang Han."[44][57][58][59][60] Hanggang sa ngayon, kinuha ng Tsinong Han simula noong kinuha ang kanilang etnikong pangalan mula sa dinastiyang ito at ang sulat Tsino na tinutukoy na mga karakter na Han.[54][61][59]
↑Asia Pacific Foundation of Canada. "Population by Ethnic Origin by Province" (sa wikang Ingles). Asia Pacific Foundation of Canada. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Marso 2016. Nakuha noong 17 Pebrero 2016.
↑"Australia". 2016 Census QuickStats (sa wikang Ingles). Australian Bureau of Statistics. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Oktubre 2018. Nakuha noong 31 Oktubre 2018.
↑"South America: Peru". The World Factbook (sa wikang Ingles). Central Intelligence Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Nobyembre 2021. Nakuha noong 2020-02-20.
↑中華民國國情簡介 [ROC Vital Information]. Executive Yuan (sa wikang Tsino). 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Pebrero 2017. Nakuha noong 23 Agosto 2016. 臺灣住民以漢人為最大族群,約占總人口97%
↑"Home"(PDF). Inarkibo mula sa orihinal(PDF) noong 16 Pebrero 2016. Nakuha noong 14 Pebrero 2016.
↑Minahan, James B. (2015). Ethnic Groups of North, East, and Central Asia: An Encyclopedia (sa wikang Ingles). ABC-CLIO. pp. 89–90. ISBN978-1-61069-017-1.
↑ 40.040.1Schliesinger, Joachim (2016). Origin of Man in Southeast Asia 2: Early Dominant Peoples of the Mainland Region (sa wikang Ingles). Booksmango. pp. 13–14.
↑Liu, Hong (2017). Chinese Business: Landscapes and Strategies (sa wikang Ingles). Routledge. p. 34. ISBN978-1-138-91825-2.
↑ 42.042.142.2Wilkinson, Endymion Porter (2015). Chinese History: A New Manual (sa wikang Ingles). Harvard University Asia Center. p. 709. ISBN978-0-674-08846-7.
↑Schliesinger, Joachim (2016). Origin of Man in Southeast Asia 2: Early Dominant Peoples of the Mainland Region (sa wikang Ingles). Booksmango. p. 14.
↑Holcombe, Charles (2017). A History of East Asia: From the Origins of Civilization to the Twenty-First Century (sa wikang Ingles) (ika-2nd (na) edisyon). Cambridge University Press. p. 49. ISBN978-1-10754489-5.
↑ 54.054.1Minahan, James B. (2015). Ethnic Groups of North, East, and Central Asia: An Encyclopedia (sa wikang Ingles). ABC-CLIO. p. 92. ISBN978-1-61069-017-1.
↑Walker, Hugh Dyson (2012). East Asia: A New History. AuthorHouse. p. 119.
↑Kang, David C. (2012). East Asia Before the West: Five Centuries of Trade and Tribute (sa wikang Ingles). Columbia University Press. pp. 33–34. ISBN978-0-231-15319-5.
↑Tanner, Harold Miles (2010). China: A History: From the Great Qing Empire through the People's Republic of China, 1644–2009 (sa wikang Ingles). Hackett Pub Co. p. 83. ISBN978-1-60384-204-4.
↑Ueda, Reed (2017). America's Changing Neighborhoods: An Exploration of Diversity through Places (sa wikang Ingles). Greenwood. p. 403. ISBN978-1-4408-2864-5.
↑Li, Xiaobing (2012). China at War: An Encyclopedia: An Encyclopedia (sa wikang Ingles). Pentagon Press (nilathala 30 Hunyo 2012). p. 155. ISBN978-81-8274-611-4.