Turbina

Ang isang turbina (sa Imgles: turbine na mula sa Latin, turbo) ay isang umiinog na makina na kumukuha ng enerhiya mula sa pagdaloy ng tubig at binabago ito sa isang pakipakinabang gawa.

Ang mga pinakasimpleng turbina ay may isang parteng gumagalaw, isang asembleyong rotor na isang baras o dram na may mga nakakabit na pampaikot. Habang gumagalaw o gumagana ang mga pampaikot dahil sa pagdaloy ng tubig, Ilinilipat nito ang pag-ikot sa rotor. Ang mga unang turbina na ginamit sa kasaysayan ng tao ay mga windmill at gumulong na tubig o water wheel. Hangin, tubig, at na turbina, ay kadalasan may pangsalo sa mga pampaikot para mai-kontrol ang tubig o hangin na gamit. Ang gumawa ng steam turbine o turbinang de singaw ay ikrinekredito sa dalawang tao, kay Sir Charles Parsons (1854 – 1931), para sa paggawa ng reaksyong turbina, at para sa Suwekong inhinyero na si Gustaf de Laval (1845 -1913), para sa paggawa ng simbuyong turbina (impulse turbine). Ang mga makabagong turbina ay kadalasang gumagamit ng reaksyon at simbuyo sa parehong turbina, kadalasan ding binabago ang lebel ng reaksyon at simbuyo mula sa taas hanggang baba.

Isang aparato na katulad sa turbina, kaso baliktad, ay isang bomba o pump para sa mga likido, at tagapiga o compressor para sa hangin. Ang axial compressor sa mga turbinang gas ay isang klase ng bomba. Dito, pareho ding may reaksyon at simbuyo tulad ng mga turbina. Sa mga makabagong axial compressor naibabago na naman ang antas ng reaksyon at simbuyo.


Turbina

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne