Turismo

Ang turismo isang lugar upang makita ang isang lugar. Tinatawag na turista ang sinumang naglalakbay ng 50 milya (80.5 kilometro) na layo mula sa kanyang tirahan, ito ang kahulugan ng World Tourism Organization (isang katawan ng Mga Nagkakaisang Bansa).

Ang turismo ay napakahalaga sa ekonomiya ng isang bansa. Bukod sa salaping ipinapasok ng mga turista, ito ay nagbibigay ng hanapbuhay sa mga lokal na mamamayan ng isang bansa sa industriyang serbisyo.

Ang industriyang serbisyo ay kinabibilangan ng mga ilang nahahawakan at di-nahahawakang sangkap. Kabilang sa mga elementong nahahawakan ang mga sistema ng transportasyon - himpapawid, riles, kalye, pantubig at ngayon kalawakan; serbisyong maasikaso - akomodasyon, pagkain at inumin, palilibot, mga subenir; at iba pang kaugnay na serbisyo katulad ng pagbabangko, seguro at kaligtasan & kapatanagan. Kabilang naman sa mga di-nahahawakang elemento ang pamamahinga, kultura, pagtakas, adbentura, bago at lumang karanasan.

Dahil sa kahalagahan ng turismo sa ekonomiya ng isang bansa, ang mga pamahalaan ng bansa ay gumagastos ng malalaking halaga sa advertisement sa ibang bansa upang itaguyod ang kanilang bansa upang dayuhin ng mga turista. Isinasaalang alang ng mga turista ang mga magagandang atraksiyon, seguridad ng bansa mula sa mga krimen at mga masasamang elemento gaya ng mga scam, kung ang bansa ay mura, kung ito ay malinis at madaling paglakbayan gayundin mula sa mga komento o karanasan ng mga nakaraang turista sa isang bansa.


Turismo

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne