Ang Unibersidad ng Wuhan (Ingles: Wuhan University, WHU; 武汉大学) ay isang pampublikong unibersidad sa lungsod ng Wuhan, Hubei, Tsina.[1] Ang unibersidad ay nasa burol ng Luojia, kung nasaan ang mga mala-palasyong gusali na merong disenyong Tsino at kanluranin. Ito ay karaniwang itinuturing na isa sa pinakamagandang kampus at nasa Top 10 na unibersidad sa bansa sa aloob ng ilang dekada.[2] Ito ay pinamamahalaan ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina. Ito ay napili ng Project 985 at Project 211 bilang isang pangunahing tagatanggap ng pagpopondo ng estado.