Ang mga Veda (Sanskrit véda वेद "kaalaman") ay isang katawan ng mga panitik o teksto na nagmula sa sinaunang Indiya. Sila ang bumubuo sa pinakamatandang putong ng panitikang Sanskrit[1] at ang pinakamatandang mga banal na panitik ng Hinduismo.[2]
Batay sa kaugaliang Hindu, ang Vedas ay mga apauruṣeya "hindi mga akda ng tao"[3], na pinapalagay na tuwirang ibinunyag, at samakatuwid ay tinatawag na mga śruti ("kung ano ang narinig").[4][5] Ang mga mantrang Vediko ay binabanggit sa mga dasaling Hindu, mga gawaing pampananampalataya at iba pang mga panahon ng masasayang pagdiriwang.
Ang mga paniniwala at sektang umunlad sa subkontinente ng Indiya ay nagbigay ng iba-ibang mga pananaw hinggil sa mga Veda. Binabanggit ng mga paaralan ng pilosopiyang Indiyano na ang Vedas ay ang kanilang makapangyarihang eskritura, kung kaya't ang mga ito ay itinuturing nilang "ortodoks" o ayon sa hindi mababagong kaugalian (āstika). Ang ibang mga tradisyon, lalo ang Budhismo at Hainismo, bagaman (katulad ng vedanta) sila ay maihahambing na may kinalaman sa moksha (pagbibigay-laya), hindi itinuturing ng mga ito ang mga Veda ay mga banal na kautusan, kundi mga paglalahad ng tao na mula sa mataas na baitang ng kaalamang pangkaluluwa, kung kaya't hindi maituturing na kabanal-banalan at maaari pa ring baguhan (sakrosanto). Ang mga grupong ito ay tinatawag na mga paaralang heterodoks o hindi-ortodoks.[6] Bilang karagdagan sa Budhismo at Hainismo, hindi rin tinatanggap ng Sikhismo ang kapangyarihan ng Vedas.[7][8]
{{cite journal}}
: |access-date=
requires |url=
(tulong); Unknown parameter |month=
ignored (tulong)