Velociraptor

Velociraptor
Temporal na saklaw: Huling Kretaseyoso, 75–71 Ma
Mounted cast at Wyoming Dinosaur Center
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klado: Dinosauria
Klado: Theropoda
Pamilya: Dromaeosauridae
Subpamilya: Velociraptorinae
Sari: Velociraptor
Osborn, 1924
Tipo ng espesye
Velociraptor mongoliensis
Osborn, 1924
Species

Padron:Bold species list

Ang Velociraptor (play /vɪˈlɒsɪræptər/; na nangangahulugang 'mabilis na tagasunggab')[1] ay isang henus na dromaeosaurid na Theropodang dinosauro na umiral ng tinatayang 75 hanggang 71 milyong taon ang nakalilipas sa kalaunang bahagi ng Panahong Kretaseyoso.[2] Ang dalawang espesye nito ay kasalukuyang kinikilala bagaman ang iba pa ay maaaring itinakda sa nakaraan. Ang uring espesye ang V. mongoliensis na ang fossil ng espesyeng ito ay natuklasan sa Mongolia. Ang ikalawang espesye ang V. osmolskae na pinangalanan noong 2008 para sa materyal na bungo mula sa Loob na Mongolia, Tsina. Ito ay mas maliit sa ibang mga dromaeosaurid tulad ng Deinonychus at Achillobator. Gayunpaman, ang Velociraptor ay nakikisalo ng marami sa mga parehong katangiang anatomiko sa mga ito. Ito ay isang bipedal na may balahibong karnibora na may isang mahaba at tumigas na buntot at isang hugis karet na kuko sa bawat likurang paa na inakalang ginagamit sa pagpatay ng mga sinisila nito. Ang Velociraptor ay itinatangi mula sa ibang mga dromaeosaurids sa mahaba at mababang bungo nito na may binaliktad na nguso. AngVelociraptor (na karaniwang pinaikling 'raptor') ang isa sa mga henera ng dinosauro na pinaka pamilyar sa publiko dahil sa mga seryeng pelikulang Jurassic Park. Ang mga pelikulang ito ay nagpakita ng mga pagiging hindi tumpak sa anatomiya nito kabilang ang pagiging labis na malaki kesa sa realidad at walang mga balahibo. Ito ay mahusay na alam rin sa mga paleontologo na may higit sa isang dosenong inilarawang mga kalansay na fossil na pinakamarami sa anumang dromaeosaurid.

  1. Osborn, Henry F. (1924a). "Three new Theropoda, Protoceratops zone, central Mongolia". American Museum Novitates. 144: 1–12. Padron:Hdl.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Godefroit, Pascal; Currie, Philip J.; Li, Hong; Shang, Chang Yong; Dong, Zhi-ming (2008). "A new species of Velociraptor (Dinosauria: Dromaeosauridae) from the Upper Cretaceous of northern China". Journal of Vertebrate Paleontology. 28 (2): 432–438. doi:10.1671/0272-4634(2008)28[432:ANSOVD]2.0.CO;2.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)

Velociraptor

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne