Wikang Mandarin

Ang Mandarin ay ang wika ng pagtuturo sa Tsina at Taiwan. Isa ito sa limang pangunahing mga wikang pangrehiyon ng Tsina. Mas lumaganap ito 1920a iba pang mga wikang rehiyonal, magmula sa buong hilagang bahagi ng Tsina pababa papunta sa Lalawigan ng Yunnan na nasa timog-kanluran sulok ng Tsina. Sa malaking lugar na ito, maraming mga pagkakaibang pangrehiyon kaugnay ng bokabularyo, kaya't ang isang taong lilipat mula sa Beijing papuntang Yunnan ay hindi mauunawaan ang mga taong nagsasalita ng sarili nilang wika, ang Yunnan hua o wikang Yunnan. Mas malaki ang suliranin kaysa sa isang taong nasa Gran Britanya o Estados Unidos na pupunta sa Australya. Kaya't magmula noong dekada ng 1920, naglaan ang pamahalaan ng Tsina ng isang wikang pambansa sa pinakamalawak na nauunawaang mga salita at mga pagbigkas.

Sa Tsina, ang wikang ginagagamit sa lahat ng mga paaralan ay kilala bilang Pamantayang Mandarin, na tinatawag na Standard Mandarin sa Ingles, o Pu Tong Hua 普通话 / 普通話 na nangangahulugang "pangkaraniwang (sinasalitang) wika" o Han Yu 汉语 / 漢語 na nangangahulugang "wika ng Han". Sa mga pook na katulad ng Malaysia, kilala ito bilang Huayu. Sa Taiwan, kilala ito bilang Guo Yu 国语 / 國語 na ang ibig sabihin ay "pambansang wika." May ilang maliliit na mga pagkakaiba sa mga pamantayang ito.

Sinasalita ang Mandarin ng mahigit sa 800 milyong mga tao sa buong mundo, mahigit kaysa ibang mga wika. Ang Pamantayang Mandarin ay isa sa anim na opisyal na wika sa Mga Bansang Nagkakaisa.


Wikang Mandarin

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne