Ang Persa (Persa: فارسی, romanisado: Fārsi; Kastila: persa) ay isang wikang Indo-Europeo. Nagtataglay ang wikang ito ng maraming salita galing sa Pranses at Arabo. Ginagamit ng Persa ang sulat Arabo.[1]
Ang Modernong Persa ay isang pagpapatuloy ng Gitnang Persa, isang opisyal na wika ng Imperyong Sasanida (224–651 AD), at ito ay isang pagpapatuloy ng Lumang Persa, na ginamit sa Imperyong Akemenida (550–330 BK). Lumitaw sa rehiyon ng Fārs (Persis, tingnan din ang Persiya) sa timog-kanlurang Iran. Ang kaniyang balarila ay katulad ng sa mararaming wikang Indo-Europeo.
Sa lahat ng kasaysayan, ang Persa ay ipinalagay prestihiyoso ng iba't ibang imperyong isinentro sa Kanlurang Asya, Gitnang Asya, at Timog Asya. Nagpatunay ng Lumang Persa ang Lumang Persang kuneiporme sa mga inskripsiyon sa pagitan ng isa-6 at isa-4 na siglo BK. Nagpatunay ng Gitnang Persa ang mga iskrip na batay sa alpabetong Arameo (Palabi at Manikeano) sa mga inskripsiyon, at sa mga tekstong pangrelihiyon (para sa Zoroastrianismo at Manikeismo) sa pagitan ng ika-3 at ika-10 na siglo AD (tingnan din ang Panitikang Gitnang Persa). Ang panitikang Bagong Persa ay munang inirecord sa ika-9 na siglo, pagkatapos ng pananakop ng mga Muslim sa Persiya. Agad na inampon ang alpabetong Perso-Arabe.
Ang Persa ay ang unang wika sa sibilisasyong Islamiko na lumaban sa monopolyo ng wikang Arabe sa pagsusulat, at itinatag bilang tradisyon sa mga silangang korte ang pagsulat ng tula sa Persa. Bilang sumulat si David G. Hogarth, isang iskolar Britaniko, "Hindi kailanman mas mabilis at mas tuso na dinakip ang mang-agaw ng niyang bihag kaysa sa [dinakip] ang Arabe ng Persa."[2] Opisyal na ginamit bilang isang wika ng burukrasya, kahit ng mga tagapagsalitang di-natibo, tulad ng mga Otomano sa Anatolya, mga Mughal sa Timog Asya, at mga Pashtun sa Afghanistan. Inimpluwensyahan ang mga wika na nagsalita sa mga karatig na rehiyon at lalo pang, kabilang ibang mga wikang Iraniyo, at saka mga wikang Turkiko, Armenyo, Heorhiyano, at Indo-Aryo. Kaunti-unting inimpluwensyahan din ang wikang Arabe, habang hiniram ang maraming bokabularyo sa Arabe sa Gitnang Kapanahunan.
Ilan sa mga sikat na panitikang Persa ay ang Shahnameh ni Ferdowsi, ang mga gawa ni Rumi, ang Rubaiyat ni Omar Khayyam, at iba pa.
Never has captor more swiftly and subtly been captured by his captive than Arabic by Persia.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)