Si Wolfgang Ernst Pauli[1] (25 Abril 1900 – 15 Disyembre 1958) ay isang Austrianong teoretikal na pisiko na isa sa mga piyonero o tagapagtatag ng mekaniks na kwantum. Noong 1945, pagkatapos inomina ni Albert Einstein, kaniyang natanggap ang Gantimpalang Nobel para sa kaniyang "nakapagpapasiyang ambag sa pamamagitan ng bagong batas ng kalikasan na prinsipyo ng eksklusyon" na sumasangkot sa teoriya ng ikot at sumusuporta sa estruktura ng materya at ng kabuuan ng kimika.