Ang isang word processor (WP)[1][2] o tagaproseso ng salita ay isang aparato o programa ng kompyuter na nagsusuplay ng input, pang-edit, pang-format, at output ng teksto na madalas na may ilang karagdagang kakayahan.
Ang mga unang tagaproseso ng salita ay mga aparatong nakapag-iisa na nakatuon sa naturang kakayahan, ngunit ang mga kasalukuyang tagaproseso ng salita ay mga programang tagaproseso na tumatakbo sa mga kompyuter na pangkalahatan ang gamit.
Nabibilang sa pagitan ng isang simpleng taga-''edit'' ng teksto at isang ganap na gumaganang programa sa paglalathalang pangmesa ang mga kakayahan ng isang programang tagaproseso ng salita. Gayunpaman, nagbago sa paglipas ng panahon ang mga pagkakaiba sa tatlong ito, at hindi na ito malinaw pagkatapos ng 2010.[3][4]
↑Enterprise, I. D. G. (1 Enero 1981). "Computerworld". IDG Enterprise. In-archive mula sa orihinal noong 2 Enero 2019. Nakuha noong 1 Enero 2019 sa pamamagitan ng Google Books.
↑Waterhouse, Shirley A. (1 Enero 1979). "Word processing fundamentals". Canfield Press. In-"archive" mula sa orihinal noong 2 Enero 2019. Nakuha noong 1 Enero 2019 sa pamamagitan ng Google Books.