![]() Tapuy at biko | |
Uri | Bigas alak |
---|---|
Bansang pinagmulan | Pilipinas |
Rehiyong pinagmulan | Rehiyong Administratibo ng Cordillera |
Antas ng alkohol | 14% - 19%[1] |
Kasangkapan | Bigas |
Ang Tapuy, na binabaybay din bilang "tapuey" o "tapey", ay isang uri ng alak sa Pilipinas na binuo mula sa bigas. Tinatawag ito bilang baya o bayah sa ibang wikang Igorot.[2][3] Nagmumula ito sa mga lalawigan sa Rehiyong Cordillera at mga lalawigan sa kapatagan ng rehiyong Ilocos at Cagayan kung saan may nananahang mga mamamayang Igorot, kung saan ginagamit ito para sa mga mahahalagang okasyon tulad ng kasal, pag-aani ng palay, mga pista, at mga kultural na pagtatanghal. Ito ay nililikha mula sa purong malagkit na bigas o sa pinaghalong malagkit at hindi malagkit, sa ugat ng isang uri ng butonsilyo (na tinatawag na onuad ng mga Ifugao), katas ng luya, at isang uri ng lokal na pampaalsa o panlinang na tinatawag na bubod.[4]