Ang JavaScript ( /ˈdʒɑːvəˌskrɪpt/[1]) ay isang high-level, dynamic, untyped, at interpreted na programming language. Ginawa itong pamantayan sa pamamagitan ng espesipikasyon ng wikang pamprograma na ECMAScript. Kasama ang HTML at CSS, ito ang isa sa mga tatlong mahahalagang teknolohiya ng World Wide Web sa larangan ng paggawa ng mga nilalaman; ang karamihan ng mga websayt ay ginagamit ito at sinusuporta ng lahat ng modernong mga Web browser na walang plug-ins.