Ang poltri (Ingles: poultry) ay tumuturing sa mga ibong inaalagaan sa bukirin, na karaniwang pinalalaki para ibenta, lutuin at kainin ang kanilang karne at itlog ng tao. Kabilang sa mga poltri ang manok, pabo, gansa, bibe, pato at kalapati. Kung minsan, ginagamit din ang salitang poltri bilang kasingkahulugan ng manukan.[1]