Ang Yahweh ay ang pangalan ng pambansang Diyos na sinamba nga mga Sinaunang Israelita at sinasamba sa Hudaismo at pati na rin sa Kristiyanismo. Ayon sa mga iskolar ng Bibliya, ang mga Sinaunang Israelita sa simula ay mga politeistiko na sumasamba sa maraming mga Diyos at kalaunang naging mga monolatrista na sumasamba sa isang pambansang Diyos na si Yahweh ngunit kumikilala sa pag-iral ng ibang mga Diyos at kalaunan ay naging mga monoteista na kumikilala at sumasamba lamang sa isang Diyos na si Yahweh na lumitaw pagkatapos ng pagkakatapon sa Babilonya noong ca. 587/586 BCE.[1] Ang katunayan ang pangalang Israel ay mula sa El (diyos) na nangangahulugang "nakipagbuno kay El".
El | |
---|---|
![]() Maliit na rebulto ng Diyos na si El na may 70 anak na lalake na nahukay sa Megiddo | |
Hari ng mga Diyos | |
Ibang mga pangalan |
|
Symbol | Toro |
Konsorte (Asawa) |
|
Mga anak | |
Rehiyon | Canaan at Levant |